Inaaliw-aliw ko ang sarili ko sa panonuod sa magandang view ng dagat habang nakatayo ako sa may terrace ng room namin..
The view was so mesmerizing, Fascinating and beautiful nakaka relax it feels like paradise..
Ano kaya ang feelings kapag nakalutang ka sa dagat?
Iyong ikaw lang ang mag-isa, 'yong walang mang iistorbo sayo. Iyong hindi ka nila nakikita at walang mang ja-judge sayo...I want to live a peaceful place like this, I want to live in an island na ako lang mag-isa,
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog.
Dan kyle <3
Baby love. Sabay tayong kumain ng lunch. Nagpa handa na ako ng pagkain para sa ating dalawa. By the way sasabay sa atin si Ms. Architect Ronda. See you Baby Love. I love you.
Napailing nalang ako dahil sa text ni Dan. Kanina pa ako nakakulong sa room namin. Nag dadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi kasi naman nahihiya akong mag lakad lakad sa dalampasigan na naka pang beach dress lang samantalang ang iba ay naka bikini. Naka two piece at naka one piece it feels like I am out dated and out of place.
Ano kayang itsura ni Architect Ronda? Maganda kaya ito? Paano kapag magmukha lang akong basahang sumabay sa kanila paano kung hindi na maging sweet si Dan sa akin. Paano kung mas bagay silang dalawa?
Napailing nalang ako dahil sa mga iniisip ko. Hindi naman siguro ako babaliwalain ni Dan.Mabilis akong nakapag bihis at lumabas ng room. Ng makarating ako sa elevator ay puno na hindi na pweding makasakay dahil over loaded na.
Nahintay ulit ako ng ilang minuto then finally after a minutes ay nakasakay narin ako sa elevator. Naka white short lang ako at naka white T-shirt na hapit na hapit sa katawan ko. Mabuti nalang at maluwag na ang elevator kaya hindi ako na a-out of place.
Ng makababa na ako ay agad akong naglakad sa lamesang sinasabi ni Dan. At kung hindi ako magkakamali ay sila iyong nasa malapit sa may railings
Kung saan masarap ang simoy ng hangin at klarong-klaro ang dalampasigan.Nakita ko kung paano hawakan ng babae ang braso ni Dan habang nag-uusap sila ni Mr. Carvantes at sa pananamit nito ay halatang-halata na professional na professional ito kung hindi ako magkakamali ay siya si Architect Ronda pero bakit siya naka kapit kay Dan?
Halatang seryosong-seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi man lang ngumingiti si Dan habang ang babaeng naka kapit sa kaniyang braso ay panay rin ang salita. Nag dadalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako sa kanila or hindi dahil alam kong makakaabala lang ako kay Dan at sa babaeng naka kapit sa kaniya.
Naililiitan tuloy ako sa sarili ko dahil malayong-malayo lang ako sa kanila yes drafting ang kinuha ko, pero hindi parin gaano ka laki ang alam ko about architecture dahil baguhan lang ako at alam kong mas maraming alam si Architect Ronda sa akin, kasi Architecture talaga ang kinuha niya. I only know how to use CAD, I only know how to paint and draw. I only know how to draw plates but kulang parin ang knowledge ko dahil hindi ko pa nasusubukang mag trabaho sa industry.
Napatitig ako sa suot nila professional na professional samantalang ako ay parang nasa bahay lang. Nakita kong umupo na sila sa lamesa at magkatabi si Dan at si Architect Ronda while nasa tapat naman nila si Mr. Carvantes. Sa layo ko sa kanila ay hindi nila ako napapansin.
Nakatayo lang ako sa gilid habang nakatingin sa kanila. Nakita kong inilapag na ng waiter ang order nila kaya napailing nalang ako Dan doesn't need me there, hindi naman niya sinabi sa akin na kasama nila si Mr. Carvantes at isa pa hindi rin ako na inform na dapat naka formal attire ako.. Sino na naman ang mag-aakala e nasa beach ako at wala ako sa company kagaya niya. Dayo lang ako at kasama niya pero wala akong part sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End