" ang tagal mo naman, "reklamo ko agad pagdating ni Zriel.
"Hoyyy hulah ang dami kayang nakapila don, " nakanguso niyang sagot.
Pumunta na kami ng room, pagdating namin don biglang tumahimik ang lahat. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro matagal na kaming patay.
Naghintay kami ng kaunting minuto bago dumaling si prof." Good morning class, since 2 weeks na ang nakaraan simula ng pasukan, alam naman natin na malapit na ang Founders Day, diba?" sabi ni Prof.
"Yes sir, " sabay sabay na sabi nila maliban saakin.
"Miss Mendoza?" napaayos ako ng upo.
"Sir?" agad kong sabi
" Since bago ka lang dito ay wala ka pang masyadong nalalaman dito, right?" Saad niya
"Yes sir, " maikling sagot ko
" Pero nasisiguro ko din namang alam muna ang rules and regulation dito sa school?" Sabi niya.
" Yes sir, nabasa ko na po sa handbook" sagot ko.
"mabuti naman kung ganon, Miss Mendoza" sabi niya
"Yes po, " sagot ko.
Naglakad si sir sa harapan. Tingin ko terror tong prof na to.
" Class Listen, sa nakaraang Founders day na naganap dito sa school ay marami ang nakalabag sa mga rules. Marami ang na guidance dahil may nag iinoman sa likod ng campus. Marami ang na damage na mga upuan dahil sa mga estudyanteng pasaway. Marami ang nagrarambulan. Ayaw ko nang maulit pa ang pangyayaring yon, naiintindihan niyo ba ?" Sabi ni sir
" Yes sir, " sabay sabay na sabi nila.
" Class hindi na kayo bata, high school na kayo graduating student na, siguro naman pinalaki kayo ng maayos ng mga magulang ninyo, so please behave, understood? " saad ni sir
" Yes sir, " sabay sabay na sabi ng mga classmates ko.
"Aasahan ko yan." saad ni sir
" yes sir, " sabi nila.
Niremind ulit ni Sir ang mga hindi pwedeng gawin sa darating na Founders Day.
" Excuse me, Sir Lim pinapatawad po kayo ni Ma'am Cruz." dinig naming sabi ng estudyante mula sa pintuan.
" Miss Mendoza?" tawag ni Sir saakin.
" Yes po?" sabi ko
"Pakidala ang gamit ko sa faculty, nasa bandang kanan ang table ko , thank you." sagot ni sir saakin.
"Yes po, " saka umalis si sir
" samahan mo ako, " sabi ko kay Zriel.
"Tinatamad akong maglakad, ikaw nalang!" tamad niyang sabi
Naintindihan ko naman siya kaya ako nalang ang mag isang pumutang faculty.
Medyo malayo ang faculty room sa room namin dahil nasa kabilang building pa. Mag isa akong naglalakad habang buhat buhat ang mga gamit ni sir.
Napadaan ako sa field sakto ding maraming mga estudynte, kung di ako nagkakamali ay p.e time nila ngayon.
"Ohmyghad, classmate ko na naman siya, " rinig na rinig kung sabi ng babae.
"Ako din, hindi ako makapaniwala, " sabi din nong isa
" ang gwapo talaga niya kahit laging nakasimangot, paano nalang kaya pag naka ngiti na , " at sabay sabay silang nagtitilian.
Hindi ko nalang yon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang swerty talaga ng magiging girlfriend niya, " rinig ko namang sabi.
YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanfictionAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.