Chapter 2

20 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa cr pagkatapos ng pangyayari. Hiyang hiya ako, at the same time naiinis ako pero may kasalanan din naman ako sa kanya haytssss sana pala hindi ko nalang yon pinatulan naku! naku!

"Kaz, okay kalang ba ?" Nag alalang tanong ni Zriel sakin.

"Ano sa tingin mo ?" Inis kung tanong sa kanya pabalik. Ganyan kaming dalawang magkaibigan kung may magtatanong man ibabalik din ang tanong. Hahahah sanay na kami .

"Abay malay ko hindi ako si ikaw, duhh!" sagot niya sakin , hindi yan galit par ganyan talaga yan.

"Ano na ! Crush mo pa rin ba yon ? Huh? Huh?" Lumabas ako ng Cr at lumapit sa kanya "Ehh Ang PANGET ng UGALI, Zriel Jusko Matauhan ka nga!  " dagdag kong sabi na may pahawak hawak pa sa dibdib ko . Inis na inis talaga ako , nasaktan ang ego ko plus napahiya pa ako.

"Ehh kasi nga ginanon mo! Ikaw na nga may kasalanan, Ikaw pa ang may ganang sugamot ng ganon! Nakakahiya Kaz Alam mo ba yon huh? nasayo lahat ng mata! Kakalipat mo lang Kaz, For God Sake!!" Inis niyang sabi sakin. Ouchh wow huh ako ang kaibigan pero sa iba kumampi, abay.

"Wow huh, Zriel ako ang kaibigan mo! Pero bakit feeling ko siya ang pinapanigan mo!" Inis ko ding sabi sa kanya. Yas , galit na yan pero hayaan nyo mawawala din yan mamaya , ganya talaga siya.

"Oo nga Ikaw ang kaibigan ko Kaz, nag alala lang ako sayo, " mahina niyang sabi.

" Kaya ko naman ang sarili ko Zriel, wag kang mag alala." kalmadong sabi ko sa kanya.

"I'm Sorry, takot lang ako sa posible nilang gawin sayo nag iisa ka lang at marami sila, "malambing niyang sabi sakin kaya ni yakap ko siya.

" Thank You, Thank you Zriel."emosyonal kong sabi sa kanya.

Yan si ZRIEL MONSANO nag iisang bestfriend ko dito sa mundo. Kilalang kilala kuna siya, of course kilalang kilala  na din niya ako. Nagkakilala kami since grade 3 hanggang ngayon kaya wala kaming sekreto sa isa't isa ehh parang kapatid na nga ang turingan namin eh. Oo, paminsan minsan nag aaway din kami pero normal lang yon ehh at feeling ko din dahil don mas tumatag pa ang pagkakaibigan namin. MAG AAWAY LANG WALANG IWANAN. Kasama ko siya sa kalungkutan man o kasiyahan. Lagi siyang anjan para sumuporta sakin , syempre ako din lagi akong nakasuporta sa kanya anumang oras.

Ako naman si KAZZY  Fritz MENDOZA, masipag na bata sabi nila kaso sila lang ang may sabi di ko kasi alam sa sarili ko na masipag pala ako. Mabait ? Abay syempre I'm mabait , pero wag mo lang akong subukan makikita mo ang hanap mo , kung maldita ka mas madilta ako sayo. Maganda ? Ewan di ko alam , ang mahalaga  humihinga. Matalino ?  hindi bobo hindi din matalino sakto lang. May boyfriend? wala pa akong balak niyan par dahil gusto ko "FIRST AND LAST" ewan ko ba basta yan ang gusto kaya  hindi dapat  padalos dalos para matupad ko yon. At isa pa masyado pa akong bata para jan I mean nasa tamang edad na naman ako pero masyado pang inosente ang isip ko sa ganyang bagay kaya pass muna hindi naman yan padalian eh . Kung may dumating man sakin gusto ko sa tamang panahon at hindi pa ngayon dahil hindi pa ako handa, sa ngayon pag aaral muna ang pagtuonan ko ng pansin at alam kung yon ang mas ikabubuti.

Napatingin ako kay Zriel ng tapigin niya ang likuran ko kaya napaayos ako ng tayo. Ngumiti siya sakin ng napakatamis tamis kaya gumanti din ako sa kanya ng ganon. Napakaswerty ko talaga dahil siya ang kaibigan ko.

"So , Tara na ?" Aya niya sakin kaya hinawakan ko ang braso niya , ganyan ako ehh kahit sinong kasama ko lagi akong nakapulupot sa braso na para bang natatakot akong iwan mag isa. Dahil sanay na rin din siya sakin kaya hindi niya yon pinansin.

"Parang ang tagal ng break time ngayon, Zriel pansin mo ?"  pansin kung matagal talaga ang time ngayon ehhh , bell lang kasi hinihintay namin ni Zriel na tunog dahil kapag tumunog yon meaning kailangan ng pumasok.

I Still Remember The Day You Left MeWhere stories live. Discover now