"Babe, kinakabahan talaga ako!" Abot - abot na ang kabang nadama ko ngayon. Kagabi may hindi ako makatulog nang maayos dahil alam kung makikita kuna ang family niya. Inaamin kung ang sarap sa feeling non pero di ko parin maiwasang kabahan. Natatakot ako na baka hindi ako magustuhan ng pamilya niya dahil syempre mayaman siya at mahirap lang kami , kahit saang anggulo tingnan ay hindi bagay.
Natawa siya sa inasta ko at kinuha ang kamay ko sabay halik don.
" Calm down, babe. I got your back. Stop worrying." Pananahan niya sa akin.
" Paano paghindi nila ako magustuhan?!" Tanong ko agad sa kanya.
" Sa ganda mong yan ? " at tumawa siya ng kunti at seryoso.
" Pwede ba babe, kinakabahan na nga ako rito eh at ganyan ka pa!" Inis kung sabi sa kanya.
" I told you mahal kita. Hindi ka man nila magustuhan ay gusto parin kita!" Sa sinabi niyang yon ay inaamin kung nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso ko. Pero hindi ko parin talaga maiwasang hindi kabahan.
Hinawakan niya buong byahe ang kamay ko. Ng tumapat na kami sa mansyon nila ay sumalubong samin ang sobrang daming kotseng naka park sa tapat. Nangliit tuloy bigla ako sa sarili ko.
Pagpasok palang namin sa loob ay pinagtitingnan na agad kami simula palang sa gate. Kinakahaban ako pero parang wala lang kay Hanz yon. Kung sa bagay sa kanila nga naman to.
Ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ay mas lalong namangha ako sa ganda ng design, panglalaking panlalaki. May mga tables at mga wine. Cater lang din ang pagkain. Blue and white ang motif nila. At sa harap may malaking mesang tambak sa sobrang dami ng regalo.
Ng mapadaan kami sa ibang table ay di maiwasang mapatingin sa gawi namin ni Hanz, naglakad lang kami habang hawak niya ang braso ko.
" Whose that girl ba? " rining kong sabi sa kabilang table.
Ng tingnan sila ni Hanz ay agad namang nag siyukuan.Gumayak kami sa table kung saan nakaupo si Darius at Dylan. Ang gwapo nila pariho pero mas gwapo ang boyfriend ko ngayon. Naka all black siya maliban sa neck tie na blue pero bumagay lang din iyon.
" Gravehhhhh! Ang ganda mo sobra Miss Mendoza!" Bungad agad ni Dylan.
" Salamat" sagot ko at ngumiti.
" Mas lalo kang gumanda ngayon Kaz, " sabi din ni Darius.
" Kayo rin, ang gagwapo niyo." Sagot ko nalang
" Gwapo natin ngayon, pre ah!" Mapang asar na sabi ni Dylan.
" Gwapo naman yan lagi ah!" Nakisali din si Hanz.
" Hindi ehh, parang iba ang dating niya ngayon. Hindi mo pansin?!" Ayaw talagang magpa awat.
" ahh yon ba ? Hahahah oo nga!" Sang ayon ni Darius na para bang may sarili silang mundo.
Para lang kaming mga tangang nakatingin sa kanilang dalawa. Pero inaamin kung natawa din ako kahit di ko gets yon.
"Alin kaya sa kanila , pre?" Tawang sabi ni Darius.
" Gago! Kahit alin jan!" At nagtawanan sila pariho.
" Ikaw pre? " bumaling sila kay Hanz.
" No thanks, I already have mine." At hinila na niya ako. Pinagtawanan lang siya ng mga kaibigan niya. Ano kaya yon.
Lumapit kami sa table don sa may pinakaharap. Hindi man niya sabihin ay alam kung yon na ang family niya. Kinakabahan, dumoble ang kabang naramdaman ko ngayon. Isa - isang na nagsitinginan ang mga tao sa amin. Tuloy ay napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Hanz.
YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanfictionAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.