Chapter 18

6 1 0
                                    

Darius Pov

Maaga akong gumising para maaga akong makapunta ng eskwelahan.
Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho nang sakto lang,nag iingat.Ngiti-ngiti akong nakinig sa music na nasa tainga ko.Hindi pa tapos ang isang music na pinakinggan ko ay dumating na ako sa eskwelahan, ganon ako nag-iingat.

" kumusta na si Hanz?" isang tanong na bumungads saakin galing kay Guard.

"Ayos na naman po siya ngayon, pero hindi pa pwedeng pumasok." Magalang na sagot ko sa tanong ni Guard.

Ngumiti si Guard, gustong - gusto ang narinig.

"Wala po kayong ipag-alala, una na po ako." Saka ako tuluyang pumasok sa loob.

Bumungad sa akin ang mga estudyanteng iba iba ang ginagawa.Napangiti ako dahil don .

"Oyyyyy , si Darius, " naglapitan ang ibang estudyante sa akin at yong iba naman nakatingin lang.

"Hai Girls, a pleasant morning to all of you, "natatawa akong tumingin sa kanila dahil sa naging reaction nila sa sinabi ko.

" kyahhhhhhhhhh!! Good Morning Darius!" Sabay- sabay nilang sabi. Di ko tuloy maiwasang matawa sa mismong harapan nila.

" Paano ba yan, una na ako!" Saka ako dahan dahang umabante hindi na hinintay ang sagot.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko may humarang sa akin. Napangiti ako bigla. Alam ko na to.

" Kumusta na si Hanz?" Kitams?! I knew it.

" Mabuti na ang lagay niya kaya wala na kayong dapat ipag-alala pa." Napapangiti kung saad .  Hanz Fanclub ba kamo! Hahaha

" Salamat naman kung ganon,  tinanong kasi namin si Dylab kaso wala kaming nakuhang sagot galing sa kanya." Sabi naman nong nasa pinakagitna.

" Ayos lang siya. Kailangan ko ng umalis at baka mahuli pa ako." May sasabihin pa sana sila kaso tinalikuran kuna. Impit na inis lang tuloy ang narinig ko sa kanila.hahahah Sorry naman .

Walang kahirap-hirap akong naglakad sa hallway kahit nasa akin ang mga mata, alam nyo na basta gwapo may audience yan, hahahaha.
Pagdating ko sa classroom bumungad sa akin ang mukha ni Dylan, nakasimangot, nababagot.

" Ang tagal mo!" reklamo niya.

" Miss mo ko ? I Miss you too." Pang -aasar ko sa kanya.

"Kadiri Kana Dude!" At sabay kaming nagtatawanan, sayang dahil wala si Hanz di bale pupuntahan din namin siya pagkatapos ng klasi.

Mabilis na tapos ang araw, hapon na may't tela buong buo parin ang lakas ko. Naglakad kami papuntang parking lot at sumakay sa sari-sarili  naming kotse.

" Kita nalang tayo don, dude!" Sabi niya at pinaandar ang kotse niya.Napailing nalang ako sa kanya,atsaka sumunod.

Pabilis ng pabilis ang takbo nang kotse kaya naman hindi din ako nagpapahuli, kala niya ahh. At nauwi sa karerahan ang lahat.Sabay na sabay kaming nakarating sa hospital kaso mas una akong naka babasa sasakyan.

"Ang daya mo, dinaya mo ako!" Reklamo ni Dylan

"Anong dinaya? Hindi kaya sadyang mabagal ka lang talaga !" Depensa ko rin sa kanya.

" Paano ba yan, alam muna ang pustahan!" Sabay tawa ng malakas para maasar siya.

"Ano kamo ? Wala pa tayong pinustahan ahh!" reklamo niya agad.

"Wahahaha, dude easy nasa public tayo baka akala nila magsyota tayo at inaaway kita, " pilit kung tinatago ang tawa ko dahil napipikon na talaga siya.

"Kailan ka pa nababading ?!" Hindi makapaniwalang saad niya.

Napahalakhalak ako dahilan kung bakit madami ang tumingin sa amin ngayon.

"Alam mo ba kung bakit pinag titingnan tayo ngayon ? " walang ganang tanong niya saakin.

"Hindi, bakit?" Walang modong sagot ko naman, kilala ko na to eh.

"Ang panget daw kasi ng mukha mo!!" Saka siya tumawa ng malakas para mapikon ako. Kita niyo na?

"Ha.Ha.Ha.Ha NAKAKATAWA!" saka ako tumawa ng malakas.

"Mauna na nga!" At naunang maglakad ng mabilis saakin.

Natawa tuloy ako ng sobrang lakas , walang pake sa ibang tao . Napipikon na kasi siya.

"Hintayin mo ko, " sabay takbo para maabutan ko siya.

Para kaming ewan dito.Nag-uunahan sa pag takbo papuntang Room 104, kung saan andon ang kaibigan namin.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may biglang narinig kami. Sabay kaming napatingin sa isa't isa.

" I'm sorry, Hindi ko sinasadya. Ako ang may kasalanan nito. Patawarin mo sana ako."

At sabay sabay ding sumilip nang marinig namin ang boses ni Miss Mendoza, umiiyak.

Nakita kong hawak hawak ni Miss Mendoza ang kamay ni Hanz at si Hanz naman NATUTULOG?? Hindi nga!!! KAILAN PA SIYA NATOTOONG MATULOG NANG GANITONG ORAS?????!!!!!!!!

Napahalakhak ng tawa si Dylan at agad din niyang tinakpan ang bibig nya. BALIW!

"Gumising kana pakiusap, " sabay haplos sa mukha ni Hanz.

Kita ko ang paggalaw ng noo ni Hanz. Napahalakhak na naman si Dylan kaya inis ko siyang tiningnan, agad naman siyang tumahimik.

Hindi ba alam ni Miss Mendoza  na gising na si Hanz?!

"I'm so so sorry, nagiguilty ako Hanz. Kaya pakiusap gumising kana." Umiyak ng umiyak si Miss Mendoza at hawak hawak niya parin ang kamay ni Hanz,hindi binitiwan.

Naaawa akong tumingin sa kanya ngayon parang tinusok tusok ang puso ko. Paano nalang kaya si Hanz?!

Nakakunot na ang noo ni Hanz ay hindi na napansin ni Miss Mendoza yon dahil siguro namumugto na ang mata niya.

Puro sorry ang naririnig namin mula sa bibig ni Miss Mendoza. Nakaaawa mang tingnan ay wala kaming magagawa.Tumayo siya at nagpahid ng luha, sabay lapit ng mukha niya sa mukha ni Hanz.

"GUSTONG - GUSTO KITA PRINCETON HANZ VILLA, KAYA PAKIUSAP GUMISING KANA DAHIL HINIHINTAY KITA.MWAUH" nagulat kami ng biglang hinalikan ni Miss Mendoza ang labi ni Hanz.

Kasabay non ang pagtulo ng luha ni Hanz sa mata niya. Akalain mo nga naman ohh.

"TAENGA!!" Napalingon ako ng magmura si Dylan sa tabi ko, seryoso na ang hitsura niya.

Dahan-dahang tumalikod si Miss Mendoza kay Hanz, kasabay non ang dahan-dahang pag-mulat ng mata ni Hanz.Nasasaktang tumingin sa taong mahal niya.

Para kaming nasa sine ngayon. Nanunuod sa love story nilang dalawa kung saan sila ang bida sa pelikula.

Nakatingin lang si Hanz sa kanya habang si Miss Mendoza naman ay nakatalikod, hindi alam na nakatingin pala si Hanz sa kanya.

Aaminin kung masaya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas nagkakaaminan na rin silang dalawa. Nagkakaaminan ang dalawang pusong halata namang gusto talaga ang isa't isa pero natatakot mag salita dahil baka hindi magustuhan ng isa. MARAMING NAMAMALI SA MALING AKALA!!

Sa kalagitnaan ng lakad ni Miss Mendoza ay bigla siya tumigil at lumingon sa gawi ni Hanz. Agad din namang napapikit si Hanz . Hindi ko alam kung nakita niya ba si Hanz non. Ngumiti si Miss Mendoza kay Hanz at nagpatuloy sa paglakad.

Pero bago pa mabuksan ang pinto ay binuksan na ni Dylan yon.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!!"

Gulat na gulat si Miss Mendoza'ng napatingin kay Dylan.

Pero kung nagulat si Miss Mendoza ay MAS nagulat ako sa inasta ni DYLAN. Ang lamig ng boses niya.

Dude, ANO BANG GINAGAWA MO??!!

I Still Remember The Day You Left MeWhere stories live. Discover now