Mula noong nakilala ko ang lalaking to ay hindi ko parin talaga alam kung anong pangalan nya.Kung sa bagay fair lang naman kasi hindi niya din alam ang pangalan ko, mas okay din yon.
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon at ingat na ingat siyang nagdadrive, tingin ko nga mas sinadya niyang pabagalin ehhh sana nag lakad nalang pala ako kung ganito lang pala ang kahahantungan.Kung sa bagay madulas nga naman sa daan , mas okay na yong nag iingat para safe.
"Malapit na tayo sa bahay" sabi ko habang nakating sa kanya, ni hindi man lang ako tiningnan naka focus lang siya sa daan.
Mga ilang minuto na ang lumipas pansin kong medyo umulan na ng kunti. Tiningnan ko ang hitsura niya pero wala paring nag bago simula kanina . Kung anong hitsura niya pag alis ganon parin yon. Ang tahimik nya rin, teka madaldal lang ba ako ? O baka naman tahimik talaga siyang tao ?kahit ganon paman wala akong pakialam ang gusto ko lang makuwi na ng tuluyan.Kunting layo nalang ay tanaw kuna ang bahay.
"Hep, hep, andito na tayo" sabi ko agad dahil excited akong bumaba.
Tumigil siya sa harap ng aming bahay , tinanggal ko ang seatbelt at aktong bababa na sana ako ng makarinig ako ng pagkalock ng pinto.
" Gago ka ba ?" Naiinis kung sabi habang nakatingin sa kanya medyo nagulat siya sa sinabi ko at biglang napakagat ng labi.
"I know it's awkward but ahmm" bitin niyang sabi kaya nag hintay ako ng kasunod pero nagkakamali ako dahil walang kasunod.
"Ano po yon Mister at ng akoy makababa na dahil umuulan na naman ?" Nakapamaywang ko pang saad .
" Can I ahmmm " bitin na naman ? Ano ba yon ?
" jusko po , ano po yon ?" Saad ko ulit.
" ahmm I feel shy to say" nakatunganga lang ako sa kanya pilit binabasa ang expression ng kanyang mukha , para siyang may gustong sabihin na para bang ewan.
" wag kang mahiya ano yon ?" Sabi ko agad sabay tingin sa harapan baka may taong nakatingin samin.
" Can I ahmm" tinaasan ko siya ng kilay
"Okay Fine, Take care!" Padabog niyang sabi ?? Sincere na sincere ah hahahhaha
"Jusko yon lang pala? Hahahahahhaha kala ko kung ano na " at tumawa ako yong kasama ko ? Hindi maka paniwala sa naging reaction ko .
" seriously ? You just laugh at me ? Ehh ang hirap sabihin non !! Ibang klasi!" Sarcastic niyang sabi, naiinis
Kaya mas lalong natawa ako hahahahaha ibang klasing tao din ang lalaking to nahihiya pang magsabi ng ingat ? Hahahahah abay par. Tiningnan ko siya at nag iwas agad ng tingin kaya mas lalong natawa ako nawala lang ang tawa ko ng pagtingin ko sa kanya pabalik ang suplado na ng mukha niya kaya na tahimik ako , nakaramdam ako ng medyo kaba.Seryosong seryoso na ng mukha niya para bang di na niya na gustuhan ang inasal ko ngayon.
"Baba na ako, pwede paki unlock na" seryoso kong nasabi.
"Tskkk" at inanlock niya nga bago ako bumababa ay
" Salamat sa paghatid sakin, Salamat sa pagpapahirap ng damit, salamat sa pagluluto" sabi ko ng buong puso pero hindi man lang ako tiningnan.
Bago ako tuluyang makaalis sa pwesto ko ay
" Take Good Care of your self , please" isang matinding ngiti ang pinakawalan ko, dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin at nagtama ang paningin namin napakagat ako ng labi. Teka ? Hulahhhh unti unti siyang nagbaba ng tingin sa pantalon niya .Shemmayyyyyy nagulat ako don ahh may nasabi ba akong mali ? Yong mata niya kasi kanina ay naging emosyonal na para bang nasasaktan siya sa sinabi ko . Hinayaan ko lang siya sa ganong posisyon niya. Yong kaninang excited na akong bumaba at pumasok sa bahay ay nawala bigla na para bang mas gugustuhin ko nalang makasama ang lalaking to at damayan siya ngayon.Madaming bagay na naglalaro sa isip ko ngayon tulad na lang kung bakit ganon ang naking reaction niya pagkasabi ko non ? Maari kayang may naalala siya sa sinabi ko ? Ano ba kasi yon ? Naglalakbay ang isip ko na para bang pilit nag hanap ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon .
Gustong gusto ko siyang tanungin kung bakit ganon pero pinili ko nalang manahimik. Nakatingin na ako ngayon sa harapan , at yong kasama ko ganon parin . Para siyang umiyak ? Umiyak ba siya ?? Na pano ba to ?Nang pansin kung gumalaw ang ulo niya ay agad akong tumingin sa kanya.
" oyy" alinlangan ko pang sambit
Pero hindi siya kumibo, alam kung narinig niya yon siguradong sigurado ako don . Mga ilang minuto na ang lumipas bumuhos na ang ulan.
"Okay ka lang ba ? Na pano ka ? " sunod sunod kung sabi sa kanya , nabigla ako ng mag angat siya ng tingin. Ang pula ng ilong nya at namamaga ang mata niya. Nababasa ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Medyo naiyak din ako sa nasaksihan ko sa kanya ngayon . Hindi siya okay ! Hinding hindi!
Tinitigan niya ang kabuuan ng mukha ko na para bang pinag aaralan ito.Naikagat ko nalang ang labi ko dahil nakaramdam ako ng kahihiyan.
Titig na titig lang siya sakin at ganon parin ang expression ng mukha niya. Nasasaktan at nalulungkot. Napataas bigla ang isang kilay ko ng biglang may tumulong luha sa mata niya. Nagpanic bigla ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking to ngayon. Hindi ko alam kung na pano siya , walang may alam at isa lang ang nasisiguro ko ngayon siya lang ang may alam.
Isang patak ng luha mula sa mata niya.
Dalawang patak ng luha niya.
Tatlong patak ng luha niya.
Wala akong narinig na tinig mula sa kanya, para bang umiyak siya sa loob looban niya lang. Yon ang masakit ehh yong sinasarili mo lang , ang sakit non sa dibdib yong tipong wala kang masabihan sa mga problema mo kaya sinasarili mo nalang .
Kakayapin kuna sana siya ng bigla niya hinarang ang kaliwang kamay niya.
" Please, Stop" sobrang gulat na gulat ako sa sinabi niya , ni hindi ko inasahan yon.
Sinubukan ko naman ulit para mayakap siya pero ganon parin ang ginawa niya this time yong dalawang kamay na niya ang nakaharang .
" I Said STOP!!" Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya at gulat na gulat din . Ano bang problema nito?
"Please, Stop and don't you dare show in front of me again, ever!" Ouchh inaamin kung medyo nasaktan ako sa narinig ko ngayon pero inintindi ko nalang siya dahil alam kung may pigdadaanan ang isang to kaya siya nagkakaganito.
"Please, Stay away from me" sobrang hirap niyang sabi kaya agad akong napalayo sa kanya at bumaba sa kotse. Malakas na rin ang ulan pero hindi ko nalang yon ininda dahil nasa tapat naman kami ng bahay ehhh.Naglakad ako sa gitna ng ulan at pagtingin ko sa kanya nagulat ako sa na saksihan. Inampas hampas niya ang manibela ng sasakyan niya tuloy di ko mapigilang mag isip ng kahit ano .
Pinaandar niya ang kotse at sobrang bilis na nag nagpatakbo ang kaninang sobrang bagal na papatakbo ay kabaliktaran naman ang nangyari ngayon, sobrang bilis!
Hindi ko tuloy maiwasang mag alala sa kanya .
YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanfictionAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.