"Zriel ano ba?" inis kung sabi sa kaibigan ko, ehhh pano ba naman hinawakan niya ang kamay ko.
"OhMYGHOD! tiningnan nya AKO!" wow huh ang kapal talaga ng mukha ng kaibigan ko, haysstt nakakahiya buti kaibigan ko to kung hindi naku!
"At tingin mo ikaw ang tinitingnan NIYA?" baka kasi matauhan tong kasama ko,mahirap na.
"Abay Malay natin, duhh gaga napakasupportive mo namang kaibigan gurl!" Wow huh sarap batukan ng babaeng to.
"Oh sya pagbiy---.." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang humiyaw
"Kyahhhhhhhhh lumapit siya sakin!! Ohmyghosss Take me Lord!" napasunod ako ng tingin sa tiningnan nya ngayon at yess tama nga siya naglakad papunta samin ang lalaking kanina pa pinapantasya ng kaibigan ko."Ang gwapo gurl, "mahina niyang sabi na kami kami lang ang nakakarinig at may pakurot kurot pa sa kamay ko huh wow talaga, NAKAKAINIS.
"Sana kaso HINDI sayo!" Irita kung sabi sa kanya , pero ang gaga hindi ako pinansin dahil nakatingin lang siya sa lalaking yon, oh well pagbigyan, naaawa din naman ako minsan ehh. Nakarinig ako ng bulong bulungan sa paligid dahil nga sa LALAKING pinapantasya ng kaibigan ko pero hindi ko nalang binigyang pansin kasi halos araw araw ganon na talaga ang eksina sa canteen, SIKAT siya Par ehh ! Kung baga nasanay na ako.
Napansin kung papalapit na ang lalaki sa banda namin kaya tiningnan ko siya. Napaiwas agad ako ng tingin ng nagtama ang mga mata namin.duhhh Hindi kita type PAR. Kaya naman kalmado akong bumalik sa pagkain at hindi ininda ang presensya nila. Yes NILA dahil kasama na naman Niya ang mga kaibigan niya, mga buntot niya kung baga dahil kung nasan siya andon din ang dalawa. Enjoy na enjoy ako sa pagkain habang enjoy na enjoy naman ang kasama ko sa pagtitig don sa lalaki , duhh magandang tanawin huh! Habang papalapit ng papalapit na sila mas lalong umiingay ang paligid na para bang sinasamba na nila yong lalaki pero wala akong pakialam sa gutom ako ehh tsskk. Isusubo kuna sana yong pagkain ko ng bigla akong kinilabit ni Zriel nabigla ako sa ginawa niya kaya naman tumilapon ang kutsarang hawak ko. Natahimik ang paligid na para bang walang tao don, ang kaninang umalingaw ngaw sa kaingayan ay tumahimik bigla na para bang nakaka bingi ang katahimikan, napatakip din ng bibig si Zriel na para bang may nangyayaring hindi ko alam kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Pero hindi parin siya nagpatinag na para bang hindi niya pansin ang pagtaas ng kilay ko pero sigurado naman akong nakikita niya yon dahil magkaharap kaming dalawa, hindi ko nalang pinansin yon. Tumayo ako para hanapin ang kutsarang tumilapon yumuko ako para hanapin yon ng hindi ko makita ay
"OH SHIT!" napatakip din ako sa bibig ko kasi yong kutsarang tumilapon hawak na ng lalaki at halatang inis na inis ang lalaki dahil magkasalubong ang kilay nya ngayon , habang ang kasama naman niyang dalawang lalaki ay halatang nasisiyahan sa kasama nila."OH SHIT? Is that your way of saying SORRY MISS?" napatingin ako sa paligid what the hell nakakahiya nasa akin lahat ng mata.Napansin kung kinilabit ng kasama ko ang kamay ko pero tiningnan ko lang siya at binalik sa lalaki ang paningin ko.
"Sorry?" Wala sa pusong sabi ko at yong paningin ko nasa kutsarang hawak niya.Napaangat ako ng tingin ng nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kanya, tawang naiinis!
"Tingin mo matatanggap ko yong sorry mo ? Such a sincere one huh?" Natatawang sabi niya
"Atleast may sorry ka paring narinig sa bibig ko, " nakakalokang ngiti ang ang pinakawalan ko. Ang kaninang expression niya ay nagbago nakakatakot ang aurang pinakawalan niya ngayon naging seryoso ang mukha niya.Kita ko ding nagpipigil ng tawa ang dalawa niyang kasama."I won't accept that fucking sorry Miss!!" kumabog bigla ang puso ko abayyy away ba gusto nito nag sorry na nga ako ehh, kinilabit na naman ni Zriel ang kamay ko.
"Kung hindi mo tanggapin abay problema muna yon." pinilit kung maging matapang ang boses ko para naman hindi halatang natatakot ako sa kanya.
" Such a bastard Girl!" Galit na galit niyang sabi . Eyes to eyes ahh
"Siguro naman pwede kunang kunin ang kutsarang hawak mo, sa pagkakaalam ko kasi sakin yan ehh at ako ang may hawak niyan bago mo nahawakan, " kalmadong sabi ko pero yong kaharap ko umuusok na ang ilok sa galit pero pinagtatawanan lang siya ng kasama niya kaya ngalang tagong tawa lang.Par tinatraydor ka ng kasama mo."Akin na, " dugtong kung sabi,kita kung inangat nya ang kanyang kamay para ibigay ang kutsarang hawak niya kaso nagkakamali ako ng akala dahil aktong kukunin kuna sana ang kutsa bigla niyang binitawan yon. Ang kaninang tahimik ay biglang umingay na halos nakakabingi ang ingay idagdag pa ang kutsarang nahulog sa sahig na para bang isang bandana sa akong tainga.Nag init bigla ang katawan ko sa galit at kahihiyan dahil sure akong sinadya niyang ihulog yon!
"SORRY?" wala sa sariling sabi niya at nasa kutsara din siya nakatingin.Humakbang siya papalapit sakin atsaka bumulong
"PATAS NA TAYO, LIIT." at naglakad palayo na para bang walang nangyari. Naiyukom ko nalang ang kamao ko. Magtutuos tayo makikita mo MR.VILLA

YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanfictionAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.