Nakaramdam na ako ng pagkainis, wala yatang balak magsalita ang lalaking to.
Nakatingin lang siya sa harapan at walang balak tumingin sa kinaroroonan ko.
"Galit ka parin?" Wala sa sariling naitanong ko sa kanya.
" I'm not mad, " pasimpleng sulyap niya sagawi ko.
" Bakit hindi mo ko kinakausap?" Malumalay na sabi ko.
" Because I don't want too." At don na natapos ang pag- uusap namin dahil pansin ko talagang wala siyang balak kausapin ako, kaya naman tumahimik nalang ako.
Mabagal lang siyang magpatakbo at pansin ko yon lalo na pag sakay niya ako.
"Andito na tayo!" Masigla kung sabi.
Huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Nakailaw pa ang bahay kaya naman alam kung gising pa si mama.
Bababa na sana ako ng pigilan niya ako.
"Just stay there, babe." At bumaba siya para pagbuksan ako.
Ng makababa na ako ay hinarap ko siya.
" Babe, I'm sorry." Malambing na sabi ko.
Siningkit nya lang ang mata niya.
" Accepted!" Walang ganang sagot niya na para bang napipilitan lang.
Nainis tuloy ako. Napasimangot ako at kita ko ang pagtaas ng kilay niya.
" Napipilitan ka lang eh! " maldita kung sabi.
" I'm not!" Suplado niya ding sagot.
"Bahala ka jan!" Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hilain at yakapin.
" Babe, I'm not mad! I'm fucking jealous!" Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa sinabi niya. Kinilig yata ang tawag nito.
"Kanino naman ?" Pinigilan kung matawa. Nagtanong parin ako kahit alam ko kung sinong tinutukoy niya.
" Isn't obvious? " supladong sagot niya.
Pinakawalan ko nalang tuloy ang tawa ko. Nakatingin lang siya sa akin pinanuod ang bawat galaw ko.
" Babe, wala kang dapat pagselosan." hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil iyon.
"Really?!" Sagot niya.
" Dahil sayong sayo lang ako." At ako na ang humalik sa labi niya. Hindi ko akalaing magawa ko yon. Nagulat siyang napatingin sa akin. Nagulat din ako sa nagawa ko. Ngumiti siya ng sobrang tamis at tela nagniningning ang matang tumingin sa akin.
"I love you more than any other, so much more than everything." At niyakap ako ng sobrang higpit. Saka humalik sa noo ko.
" I love you, too. " yumakap na rin ako sa kanya.
"Congratulation, I'm so proud of you my world." Sabi niya.
" Sa tagal nating nagsama ngayon mo lang ako binati! Magtatampo na talaga ako!" Masungit kung sabi.
Natawa naman siya sinabi ko.
" oh?" Tela nag iisip.
"At kailan pa ako naging mundo mo?" Iniba ko agad ang topic baka ano naman ang maisip ng lalaking to.
" The day you own my heart, babe." Nakangiti nyang sabi.
Shemaayyy kinilig ako!!!
" how about you?" Siya naman ang nagtanong ngayon.
" Sinong nagsabing ginawa kitang mundo ? " napahalakhak ako ng biglang sumama ang mukha niya at pakawalan ako sa yakap.
"Tssk!!" Tanging sabi niya.
Tawa lang ako ng tawa ng bila niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan ng pagkawala ng tawa ko.
" Woy, " sambit ko.
Napaatras ako at nasandal sa kotseng dala niya." I really know how to shut your mouth babe," naipigil ko ang hininga ko ng bigla siyang tumigil.
" Baka makita ni mama." Nakangisi siya tumingin sa akin.
" What?!" Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Napayuko tuloy ako sa hiya. Walang hiya kang lalaki ka!
" WALA! " naitaboy ko siya. Nakangisi lang siyang tumingin sa akin, nagpapabigat.
" I know what are you thingking." Nagmamayabang.
" Pinagsasabi mo jan! Umuwi kana kaya!" Nagmamaang maangang sagot ko.
" Oh common babe, " ayaw mag paawat.
" Pag ako nainis dito pagsisisihan mo talaga!" hindi ko mapigilang mainis.
" Let me see, Then." Nakangisi nyang sabi, gustong gusto ang nasaksihan.
Sa inis ko ay nahampas ko ang balikat niya.
" ouch! Gusto mo yata ng part two, pabor sa akin yon, babe. " agad din akong napatigil nang maalala ko ang pangyayari kani - kanina lang.
" Umalis kana kaya ?!Alis na !" Pananaboy ko sa kanya.
Nakangisi lang siyang tumingin sakin na para bang walang narinig.
" Hindi ko alam na masayahing tao ka pala Mr. Villa!" Naiinis na sabi ko.
" Me, too!" Nakangisi niya paring sabi.Naisapo ko nalang ang noo ko. Walang balak magpatalo.
" Ang sarap mong suntukin! Alam mo ba yon huh!"napahalakhak siya sa sinabi ko.
" Go on." Naku po!!
Tumahimik nalang ako dahil alam kung hindi ako mananalo sa lalaking to. Akalain mo nga naman.
Tumahimik na rin siya at nagseryoso ang mukha.
" I'm sorry." Seryosong sabi niya. Tumango lang ako at hindi nagsalita.
" Pasok na ako sa loob, " pamamaalam ko sa kanya.
" Hatid na kita." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
" Sure ka ?" Agad na tanong ko.
" Of course. I want to meet your parents and formally ask their permission." Walang alinlangan na sagot niya.
At nag una pa siyang maglakad sa akin. Inaamin kung kinakabahan ako dahil hindi ko pa nasabi kay mama na may boyfriend na ako. Ng tumapat na kami sa gate ay nag door bell siya. Gabi na ay pinagpapawisan ako dahil sa kabang dulot ng lalaking to. Rinig kung may tunog ng paang naglalakad at alam kung si mama yon.
Bawat lakad ni mama ay siyang pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako ng sobra sobra. Gustuhin ko mang tumakbo at magtago nalang ay para bang nawalan ako ng lakas. Nanaig ang kanihaan ko.
Ng tingnan ko si Hanz ay tela ba normal lang yon sa kanya. Samantalang abot abot ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Pansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa direksyon ko." Are you okay?" Takang sabi niya.
" o-oo n-naman!" Nabubulol kung sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon.
" Don't ba scared babe, You have me." Nakanganga akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya ? Siya pa ang may ganang magsabi sa akin ng mga katagang yon samantalang mama ko ang makakaharap niya.
"Anak? Ikaw na ba yan?" rinig kung tanong ni mama ng makalapit na talaga siya sa gate.
" opo mama." Pinigil kung wag mabulol.
At tuluyang ng binuksan ni mama ang gate. Bumungad sa amin ang mukha ni mamang gulat na gulat. Hindi inaasahang dalawa pala kaming naghintay sa kanya.
" Good Evening Mrs Mendoza, I am Princeton Hanz Villa your daughter's boyfriend." Magalang na sabi nya.
Nakanganga akong napatingin sa kanya hindi naasahang ganon siya ka bulgar magsalita.
Matalim na tumingin si mama sa kamay naming dalawa at agad ko sanang bumitaw don ay tela ba hinigpitan nya ng sobra ang pagkakahawak.
LAGOT AKO!!!

YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanfictionAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.