Gaya nga ng sabi niya ay pumunta kaming bulletin board para hanapin ang pangalan niya at hindi nga siya nagkakamali dahil nasa Top 1 ranking lang naman ang name niya. Winner!
" Kaya naman pala! May reward." Hindi parin tumigil sa kakulitan ang dalawa.
Syempre hindi parin mawawala ang bulong - bulungan.
" Si Hanz oh, ang gwapo! Kyahh!!" Alam ko kaya!
" Ang talino talaga ni Hanz, parati nalang nasa unahan." Ahh ganon po ba?
" kailan pa kaya siya magiging akin?!" Sorry ka nalang dahil akin lang siya.
"Ideal man ko yan si Hanz ehh." Ah talaga po ba! Sana all.
Puro papuri ang narinig namin sa ibang estudyante. Tuwang tuwa naman siya dahil alam niyang naiinis ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip nang kung ano ano. Gusto ko siyang awayin pero hindi pwede dahil baka mahuli kami. Palihim ko nalang tuloy na kinukurot ang kamay niya na ikinalalapad ng ngiti niya.
Umuna akong maglakad kung saan ang volleyball area. Nakasunod naman silang tatlo na walang pakialam sa bulong - bulungan ng iba.
" I got you!" At hinawakan ang kamay ko.
Lumakas ang bulong - bulungan.
" Ohmy!! Bakit hinawakan ni Hanz ang kamay niya?" Rinig naming sabi.
" Baka sila na!" Sabi din ng kasama niya.
" Imposible!" Tela ayaw maniwala
" Malay natin, " sukong sabi ng isa.
" Bagay naman sila." Dagdag pa ng isa.
" Hell No!" Hindi pagsang ayon ng isa.
Hindi lang namin pinansin yon sa halip ay dumiretso na talaga kami Volleyball area. Tanaw na tanaw ko si Zriel don na kumaway pa talaga pagkakita sa amin. Ang cute niyang tingnan sa jersey niya. Bagay na bagay sa kanya iyon. Napangiti tuloy ako dahil sa mga naiisip ko.
"GALINGAN MO MISS CAN!" Pagcheer ni Darius kay Zriel.
"GO!GO! Zriel You can do it!" Pahabol na sambit ni Dylan.
" Bestfriend ko yan! " Sigaw ko ng malakas.
Sabay sabay kaming tatlong napatingin kay Hanz.
" What?!" Hindi niya akalaing titingin kami ng sabay sa kanya.
" Baka naman balak mong mag cheer jan. Pampalakas ng loob, ganon!" Natawa naman ang dalawa.Naghintay sa susunod na gagawin niya.
Tumingin si Hanz kay Zriel, nakatingin din sa gawi namin si Zriel tela may hinihintay.
" Fighting!" Tanging saad niya na ikinatawa ni Zriel. Natawa din tuloy kaming tatlo habang nakatingin sa kanya.
Nagsimula na ang laban. Nakapwesto na sila Zriel sa court. Ang kalaban nila ay sa kabilang section. Pansin ko ring parami na ng parami ang mga tao.
Pagpito ng referi ay nag serve na sa kabilang section. Sa sobrang lakas ng paghampas niya ay sigurado akong lalagpas yon at hindi nga ako nagkakamali dahil lumampas yon sa linya. Nasa kanila na ang bola at iseserve na yon ng kasamahan ni Zriel. Sa sobrang lakas din ng hampas niya ay lumagpas din sa linya. Napasigaw tuloy ako!
" Babe, Chillax!" natawang sabi niya. Syempre natawa din ang dalawa, ano pa nga ba.
Nasa kabila na naman ang bola at sakto ding pagserve non ay pumasok ang bola buti nalang at nasalo yon ni Zriel. Binalik niya ang bola at saktong hindi na sangga yon ng kabila kaya nahulog.
YOU ARE READING
I Still Remember The Day You Left Me
FanficAng kwentong ito ayy tungkol sa isang magkarelasyong sinubok ng panahon at naghiwalay pero magkakatagpo parin ang landas nila pagdating ng tamang panahon.