Chapter 45:Laban (part 3)

168 12 0
                                    

Chapter 45:Laban (part 3)

Someone Pov

Halos mamatay ang dalawa sa kakatawa habang patuloy parin ito sa paghahanap ng tubig na maaari niyang ipambuhos sa nagaapoy niyang paa.

Nagmatinginan ang dalawa at nag apir sa isa't isa. "Akalain mo 'yon? Natalo natin siya sa wand natin" si Craig sabay ihip sa wand niya.

"T*ng*, hindi wand ang ginamit natin" si Donna sabay irap kay Craig, hindi kase nila ginamit ang wand nila. Niloko lang nila ang kalaban nila, ang totoo nilang ginamit ay ang ability nila.

Dahil kung wand lang talaga ang gagamitin nila, maaaring hindi tablan ang lalaki. Dahil iba ang kapangyarihan na gamit nito.

Parehas sila ng Leader nila na itim ang kapangyarihan, ngunit hindi naman nito kayang pakilusin o dikaya'y maaari niyang hindi pagalawin ang mga tao gamit ang anino nito.

"Matalino ka 'rin pala noh? Akala ko kase hindi" si Donna, si Craig kase ang nag-isip na lokohin ang ikalimang pinuno.

"Matalino ako, hindi ko lang pinapakita" sabay kindat kay Donna, inirapan naman siya ng babae at nilayasan ang lalaki.

Napatingin sa taas si Craig ng mapansin na may lumilipad sa langit, pinaliit niya ang mata niya at tinignan pa lalo ang nasa itaas. Lumaki ang mata niya ng mapansin niya kung ano iyon.

Isa iyong malaking agila, kaagad dumapa siya at sinigawan ang ibang studyante na hindi napansin ang pararating. "Magsi dapa kayong lahat! May paparating na agila" sigaw niya, nataranta ang lahat saka nagsidapa.

Napatingin siya sa papalapit na hayop, ibinaba nito ang malalaking paa niya, tumingin si Craig sa lalaking umaapoy parin ang paa dahil hindi siya makahanap ng tubig.

"Ahhhhh" sigaw ng ikalimang pinuno ng makuha siya ng agila, nilipad ito ng agila pataas, ng nasa pinaka taas na siya ay binitawan ng agila ang ikalimang pinuno.

Halos dumuling naman ang mata ng lalaki ng binitawan siya ng agila, "Waaaaa, tulungan niyo ako!" walang nakarinig sa sigaw niya, dahil napakataas ng pinaglag lagan ng Agila sakaniya.

Muntik ng masuka ang lahat ng nakasaksi ng makitang nalaglag ang ikalimang lalaki, durog na ang ulo nito at puro dugo, nagka durog durog din ang mga buto nito.

"Kadiri, pero teka... Bakit bigla nalang sumulpot ang hayop na iyon? Saan kaya siya nangaling? Hindi kaya ipinatawag siya ni Faye? Pero hindi maari..."

Nabalik siya sa kaniyang isipan ng biglang may nagsalita sa utak niya.

"May hayop na nagpunta dito at pinatay ang pinuno ng halimaw, sa tingin niyo? Sino ang may kagagawan non?" kay Sharon ang boses na iyon, kaya lalo siyang nagtaka.

"Kung hindi si Ava... Maaaring si Faye ang may gawa non..."

*Jonax, Sharon*

"Patay kayo sakin" sabi ni Sharon habang isa isang tinatangalan ng ulo ang mga mangkukulam, may kasama din silang mapuputing mangkukulam para tumulong sakanila sa pagpaslang sa taas. Lalona't may mga walis ting ting naman silang gamit.

Napangiti si Sharon ng mapansin na naubos na ang mga kalaban nila. Tinaas niya ang armas niyang hawak, na ginaya naman ng mga syudyante ganon nadin ang mabubuting mangkukulam at sabay na sumigaw.

"Wwooo, hindi kayo mananalo saamin!" sigaw ni Jonax.

"Hindi pa kayo panalo kaya wag 'kayong magdiwang" sabi ng isang lalaki, lumilipad ito sa taas, wala siyang suot na pakpak at hindi din siya nakasakay sa dragon kagaya ng mga kasama niya.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon