Chapter 27:Hating gabi

250 19 0
                                    

Chapter 27:Hating gabi

Faye Pov

"Aalis na ako" pagpapaalam ko sa mga elites, naglakad ako palabas nang gym at nang makalabas ako nakita ko doon ang mga school mates ko. Masama ang tingin nila saakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Yinuko ko nalang ang ulo ko para maiwasan ko ang masasamang tingin nila, naglakad ako nang mabilis na kulang nalang ay parang takbo na ang ginagawa ko.

*Booggsshh*

Napahawak ako sa braso ko nang may tao akong nakabanga, masakit ang pagkakabanga namin at may malakas akong puwersang naramdaman pero nilabanan ko ang puwersang iyon para hindi ako mapaupo.

"Hija? Ayos kalang ba?" tinaas ko ang ulo ko at doon ko nakita ang guro namin sa combat, si Heather.

"Ma'am ayos lang po ako" pagsisinungaling ko kahit ang totoo niyan ay masakit ang pagakakabanga namin, pero mas masakit ang nangyari kanina.

"Nakikita ko sa mga mata mong nagsisinungaling ka" hinawakan niya ang braso ko at pinatangal ang jacket ko na mahaba. "Namumula ang braso mo, halika. Pupunta tayo sa Clinic at baka may balika" sabay hila niya saakin.

Hindi nadin naman na ako nagpumiglas pa sa pagkakahawak niya sa braso ko, dahil feeling ko mahihimatay na ako dahil sa sobrang hina.

"Umupo ka dito" mabilis lang naman kaming nakapunta dahil sa tingin ko ay nagteleport kaming dalawa.

Sumunod ako sa sinabi niya, umupo ako sa kama at hinayaan siyang lagyan nang yelo ang braso ko.

"Lola" wala sa sariling bigkas ko, nakikita ko kase sa kaniya si Lola. Yung pagaalaga niya saakin, yung pagiingat, at pagmamahal niya... Parehas na parehas silang dalawa. Pero malabong mangyari yon.

"Hija? Masakit paba?" ani Heather, umiling naman ako nang sunod sunod. "Kung ganon ay aalis na ako" bigla nalang siyang nawala sa paningin ko, hindi naman na ako nagulat pa dahil nasa mundo kami nang mahika.

Dahil sa labis na pagod humiga ako sa kama at pinikit ang mata ko, gigisingin naman ata ako nang nurse kapag uwian na.

Heather Pov

Iniikot ko ang buong campus dahil nawawala ang mga studyante ko, hindi ko alam kung saan sila pumunta kaya nilibot ko nalang ang buong campus.

"Nasan naba yung mga batang yon?" tanong ko, halos libutin ko na ang buong campus pero hindi ko sila nakita kaya sa tingin ko ay nasa gym na sila.

Nag teleport nalang ako para mabilis, yon ang kanina ko pang ginagawa pero siyempre kailangan koding maglakad para masigurado kong mahanap ko sila.

*Booggsshh*

Muntik na akong mapaupo nang may nakabangaan ako, minsan naiinis ako sa kapangyarihan ko. Kase minsan kung saan pa ako hihinto duon naman may tao at nakabangaan ko pa.

Tinigna ko nang buong pagaalala yung nakabangaan ko, nagulat ako sa totoo lang pero hindi ko pinakita sakaniya. Baka kase maghinala siya saakin.

"Hija? Ayos kalang ba?" tanong ko kay Faye tinaas niya ang ulo niya para makita ako.

"Ma'am, ayos lang po ako" alam kong nagsisinungaling siya, matagal na kaming magkasama kaya alam ko kung kailan siya magsisinungaling at kung kailan siya nagsasabi nang totoo.

"Nakikita ko sa mga mata mong nagsisinungaling ka" Tinangal ko ang jacket niya at nakita ko ang braso niyang namumula, kaya satingin ko ay malakas talaga ang pagkakabanga namin. Hindi ko siya natuturuang gumamit nang kapangyarihan niya dahil hindi ko alam kung ano ang magiging sakaniya kaya hindi na ako nakielam pa.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon