Chapter 14:Kaibigan

305 19 1
                                    

Chapter 14:kaibigan

Faye Pov

"T-teka... Naiintindihan mo siya?" sabi nang babaeng nakayakap kanina sa braso ko.

"Hindi ko sila maintindihan" sabay iling ko nang sunod sunod, totoo yon. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya basta aww aww lang.

"Wagkang magsinungaling, alam kong naiintindihan mo sila" sabi ulit nang babaeng nakahawak kanina sa braso ko.

"Hindi ako nagsisinungaling" ani ko.

"Kung ganon, bakit parang nagkakaintindihan kayo? Pero alam mo bang lahat nang mga studyante dito ay gustong makausap ang mga hayop?" sabi nang kaibigan nang babaeng humak saakin nang braso ko.

"Oo nga pala hindi,pa kami nagpapakilala, ako nga pala si Elena at ito naman si Adeline." pagpapakilala ni Elena, si elena yung babaeng humawak sa braso ko kanina nang magpakita si Aww aww.

"Dahil bago ka ngayon gusto ka naming i pasyal sa academy, para ma familiaran ka" mabuti nalang pala at nakilala ko si Kc dahil madami akong natutunan sa kaniya.

"Oum... Sige" nagtayuan sila at hinila ang kamay ko bago kami nagtatakbo, siyempre hindi paba magpapahuli si Aww aww? Nang tumakbo kase kami ayun humabol siya.

Kaya si Elena nagsisigaw. Habang kami naman ni Adeline ay tumatawa lang.

"Puwede bang palayuin mo iyang aso mo? Nakakatakot kase siya" kanina pa niya yan sinisigaw. Pero hindi ako nakinig at nagpatuloy parin sa pagtakbo.

"Wait lang... Hindi ako makahinga" pigil ni Adeline at naghabol nang hininga, kagaya nang sinabi niya huminto kami at nagpahinga.

Nakalagay pa ang mga kamay ko sa tuhod ko habang naghahabol nang hininga habang si Aww aww naman ay nakatingin lang saamin.

"Okay, nandito tayo ngayon sa mismong gitna nag school. May fountain dito pero hindi gumagana ang tubig. Dahil ayaw buksan nang dean ang tubig dito" nakita ko ang isang pabilog at sa tuktok nito ay may isang napagandang babae at may pakpak sa likuran niya.

"Nakikita mo ba ang babaeng iyon?" sabay turo nito sa babaeng maganda at may pakpak sa likod. "Siya ang tagapag ligtas nang mundo namin. At siya ang kauna unahang inibig nang dean natin" pagpapaliwanag ni Adeline.

"Pero alam mo ba, may pagkahawig kayo nang babaeng yon" ani Elena habang nakatitig sa muka ko kaya pati si Adeline ay napatitig nadin.

"Oo nga" pagsang-ayon ni Adeline sa kaibigan niya.

"Eh sino ba yung tinutukoy niyo? Ni hindi ko nga siya kilala" ani ko.

"Siya si Gigi, isa siya sa nagligtas sa mundo natin. Kaya ngayon wala nang masasama" ani Adeline.

"Gigi? Ilang beses ko nang narinig ang pangalang iyon, at naikwento nadin ni Lola ang tungkol doon" ani ko.

"Ibig bang sabihin non ay taga dito ang Lola mo?" napatigil ako sa tinanong ni Elena, hindi kaya totoo ang sinasabi niya?! Na dito nakatira si Lola?

Bigla kong naalala lahat nang ikinuwento niya saakin, tungkol sa mahika, tungkol kay gigi, at tungkol sa paaralan. Ibig bang sabihin non ay may posibilidad na nandito din ngayon ang lola ko?

Napaayos ako nang tayo dahil sa naisip ko, kailangan ko siyang hanapin kung ganon. Maglalakad na sana ako para hanapin ang lola ko nang may pumigil saakin.

"San ka pupunta?" tanong saakin ni Adeline habang nakatingin saakin nang seryoso.

"Hahanapin ko si lola" walang pagaalin langan kong sabi.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon