Chapter 32:Simulan na ang Plano

245 17 0
                                    

Chapter 32:Simulan na ang plano

Coden Pov

"Ano bossing simulan na 'ba natin?" bulong saakin ni Todd, nandito na kami ngayon sa Canteen para kumain dahil tapos na ang tatlong subject namin.

"Ayon siya oh, nakaupo" sabay turo ni Ava, hinampas naman ni Eugine ang kamay niya.

"Wag 'mo nga siyang tinuturo, mamaya sabihin niyang siya ang pinag uusapan natin" si Eugine.

"Siya naman talaga ang pinaguusapan natin ah, kaya ayos lang na ituro ko siya" si Ava.

*Boggsshh*

Napahawak si Ava sa kaniyang ulo batukan siya ni Eugine.

"Hayts, ewan ko sayo, wagmo na nga akong kausapin" si Eugine.

"Ikaw naman ang kumakausap saakin ah" si Ava.

"Tama na nga yan, girls, lapitan niyo si Faye at magpakilala kayo sa kaniya at pagnag pakilala na kayo ay sensyasan niyo lang kami at dadating kami" ani ko, nagtanguan naman ang mga babae at nagsilapitan kay Faye, habang kami naman ay nakatalumbaba lang at hinintay ang senyas na gagawin nila para makalapit kami sakanila.

Mga ilang minuto, matatapos na ang break ay hindi parin nila kami tinatawag. Nagtatawanan nga sila eh habang kami ay nakatingin lang na parang tanga.

"Hindi paba sila tapos?" buwisit na tanong ko sa mga lalaking kasama ko.

"Malay namin boss" si Eugine.

"Pag hindi nila tayo tawagin pagkatapos ng break, malalagot saakin tong mga babaeng to" sabay croos legs at arms ko saka ko sila tinignan ng matalim. Sakto namang napalingon sa gawi ko si Ava kaya nakita niya yung masama kong tingin sa kanila.

Kaagad siyang napatingin kila Sharon at sinipa ang paa nila, nagtinginan naman sila saamin at humingi ng sorry, sinenyasan naman kami ni Donna dahil siya ang nasa likuran nila para hindi makita ni Faye na sinesenyasan kami.

Nagtayuan kami sa kinauupuan namin at lumapit sa kanila.

"Ay, oo nga pala fa- ang ibig kong sabihin China, eto ang mga kaibigan naming lalaki, sana ay maging magkaibigan na tayo" si Ava.

Tumango naman ito at ngumiti ng napakatamis,dahil sa inasta niya biglang tumibok ng napaka bilis ang puso ko. Ano tong nararamdaman ko? Bakit tumibok nalang bigla ang puso ko sa babaeng ito?

"Siyempre, magiging magkaibigan tayo noh" sabay tayo at lumakad. "Halina kayo, sabay na tayong pumunta sa Room dahil parehas lang naman tayo ng section" tumayo ang mga babae naming kaibigan at inayos ang mga bag nila saka sila lumakad ng mabilis.

Kaya ang ending, sila ang nasa unahan habang kami naman ng mga kaibigan kong lalaki ay nakasunod lang sakanila.

Sa totoo lang naiinis ako, ang gusto ko talaga ay ako ang maunang mag lakad pero may magagawa pa 'ba ako? Wala naman eh, dahil nandito kami ngayon sa mundo ng mga tao kailangan kong maging gentleman kahit hindi trabaho ng principe yon.

Ng makarating kami sa Room ay nagsiupuan na kami, nakakaramdam ako ng pagkailang kase katabi ko si Faye o China. Ewan ko ba, pero tumitibok ng mabilis ang puso ko. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko, dahil kahit mga kaibigan kong babae o mga ka school mates kong babae ay hindi ko nararamdaman ang ganito.

Habang nakaupo, walang sino man saamin ang nagsalita hanggang sa dumating nalang ang teacher namin para mag discuss.

----

Pagkatapos ng ilang oras na lumipas ay naguwian na kami, kami kami nalang ang naiwan dito, kaming mga elites, siyempre kasama si Faye dahil nga ka member namin siya.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon