Chapter 12:Dragon

288 23 2
                                    

Faye Pov

Pagkabukas ko nang kahon na binigay saakin, nakita ko doon ang isang tyokolate. Nang makita ito nang mga bata humingi sila kaya hinati ko ito.

Hindi na ako nakakain dahil sakto lang para sa mga bata yung tyokolate.

"Ate hindi ba't pupunta kapa sa School bukas? 1:45 am napo baka hindi kayo magising sa tamang oras niyan" ani Kc

"Puwede mo ba akong samahan sa bahay niyo?" ani ko

"Oo naman ate" sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila, pagkarating namin doon sa labas nang bahay nila nagpaalam siya saakin na aalis daw siya dahil maglalaro padaw sila. Pero pinigilan ko ito at sinabing.

"Kc, maari mo bang ibigay itong ginintuang barya sa babaeng nagalaga sa lola mo?" sabay bukas ko nang sisidlan ko at binigyan siya nang sampong ginintuang barya.

"Sige po ate" sabay takbo nito nang napakabalis. Nang hindi ko na siya matanaw pa, pumasok ako sa loob at humiga sa upuan nila. Mahaba ito kaya hindi na ako namroblema pa.

"Hija eto ang unan at dalawang kumot. Ipang sapin mo nalang iyan sa upuan para hindi lamigin ang likod mo"

Sabi nang Mama ni Kc, tinangap ko naman ito nang walang pagaalinlangan.

Kagaya nga nang sabi ng mama ni Kc nilagay ko ang isang kumot sa higaan ko habang ang isa naman ay pinangkumot ko.

Nang maiayos ko na ang lahat humiga ako at kinumutan ang sarili ko saka ako natulog.

*Kinabukasan*

"Hija? Hija? Nandiyan na si Rylan" nakaramdam ako nang pagyugyog nang kung sino, mabilis naman akong tumayo at sinapo ang ulo ko.

"Mama?" gulat na sabi ko nang makita ko ang mama ni Kc na ginigising ako, narinig ko naman ang tawa niya.

"Tita nalang ang itawag mo saakin Hija, sige na bumangon kana at kumain. Mahaba ang lalakbayin ninyo ni Rylan"

Tumayo ako sa pagkakahiga at inayos ang hinigaan ko saka ako nagpunta sa kusina nila Kc.

"Eto, nagluto ako nang kanin at itlog" sabay lapag nito nang pagkain sa lamesa, kaagad ko naman itong nilantakan.

Baka kase kanina pa ako hinahanap ni Rylan nakakahiya naman "Wag 'kang mag mag 'madali Hija" sabay haplos nito sa likod ko. Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Oh eto gatas" nang nilapag na niya ang gatas, kaagad ko itong ininom dahil parang nabara ang kanin sa lalamunan ko.

Nang maubos ko na ang pagkain tumayo ako at inayos ang mga gamit ko(kahit wala naman) humiram lang ako nang suklay kay Tita at naghilamos nadin sa lababo nila.

"Tita marami pong salamat at pinatuloy niyo ako sa bahay ninyo" sabay bigay ko sa kaniya nang sampong ginintuang barya.

"Ay nako Hija... Hindi ko matatangap itong ibinigay mo saakin, basta't makatulong lang ako sa nangangailangan ayos na saakin"

Dahil sa saya hindi ko mapigilang yakapin si Tita.

"Sigurado po ba kayong hindi niyo tatangapin ang ginintuang barya ko?" paninigurado ko.

"Oo Hija, gamitin mo nalang iyan para sa pagaaral mo" iniyuko ko lang ang ulo ko nang kaunti para magbigay galang sakaniya.

"Kung ganon ay maraming salamat" sa pangalawang pagkakataon, niyakap ko ulit siya.

"Pakisabi nalang po kay Kc na maraming salamat" sabay alis ko. "Aww aww?" muntik ko nang makalimutan si Aww aww, buti nalang at hindi niya ako pinaghanap dahil pagkatawag ko sa kaniya tumakbo ito papunta saakin.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon