Chapter 44:Laban (part 2)

154 10 0
                                    

Chapter 44: Laban (part 2)

Someone Pov

Habang patuloy sa paglalaban ang dalawang miyembro, ang hindi nila alam at may nanonood pala hindi kalayuan sa kanila.

Patuloy parin ang pagbuhos ng ulan, at pagkidlat. Kaya nagwawala ang mga halimaw na kinakalaban nila, dahil may sensitibo silang pandinig. Na kahit malayo ang ingay ay maririnig parin nila.

Dahil sa pagwawala ng mga hayop, nakakuha sila ng pagkakataon para makipag laban at mapatay ang iba dito. Halos mag gagabi nadin pero patuloy parin sila sa pakikipag laban.

*Faye, Coden*

*Coden, bitawan mo na kase ang kamay ko, hindi naman ako mawawala sa tabi mo eh" pagrereklamo ni Faye, kanina pa siya nagrereklamo pero parang binge naman ang binata at hindi binitawan ang kamay niya.

"Coden, sige na" napabuntong hininga si Coden at binitawan ang kamay ni Faye.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka lalayo saakin, kung hindi malalagot ka talaga" tumango tango si Faye, kahit na ang totoo ay hindi niya pinansin ang sinabi niya.

"Booggsshh"

Malakas na pagsabog nanaman ang narinig na nagmumula sa taas, sa pagsabog na iyon ay kaagad na tumakbo si Faye para umiwas kay Coden.

Ginawa lamang niya ito dahil nararamdaman niya ang malakas na puwersa sa kung saan. Tumakbo ito patungo madilim na bahagi.

Kaagad siyang pumasok siya doon at saka nagtatakbo.

"Lingon dito, lingon doon"

Yan ang ginagawa niya ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya na makaramdam. Nagdahan dahan siyang lumakad, pero kahit magdahan dahan siya ay nagkakaroon ng tunog ang dahon na kulay brown na nahulog sa mga dahon.

Napatingin kaagad ang isang lalaki sa puwesto ni Faye ng maramdaman niya ang presensiya nito, kaagad siyang humiga sa damuhan at ipinikit ang mata niya para gayahin ang mga dahon na nasa lapag.

"A-aray" daing niya sa kaniyang isipan ng maramdaman niyang inapakan ito ng dalaga, muntik na siyang sumigaw dahil sa kabigatan nito.

*Bakit may nararamdaman akong kakaiba dito? Bakit parang hindi ako nagiisa?" sabi ni Faye at naghanap ng sasagot sa katanungan niya, lumakad ng diretso at sa hindi inaasahan. Natapakan niya ang dapat hindi tapakan.

Halos mapasigaw sa sakit ang lalaki at bumalik sa dati niyang anyo, Muntik naman nawalan ng balanse si Faye ng makita niya ang tinatapakan niya.

Kaagad siyang umalis sa pagkakatapak sa lalaki at sinubukan itong saksakin. Nakatayo naman kaagad ang lalaki at iniwasan ito.

Masakit man ang pang-ibaba niya ay umiiwas parin siya para hindi mapatay ng dalagita.

Itinapat ni Faye ang spada niya sa kaniyang muka at saka itinutok ito sa leeg ng lalaki. Naglakad ito kaya naglakad din ang lalaki, nagikutan sila habang naghihintay kung sino ang unang susugod.

Ng hindi matiis ng lalaki, inilabas niya ang spada niya na nakatago sa bewang niya at kaagad na hinampas ang spada ni Faye.

Dahil sa lakas ng puwersang ibinigay niya ay nabitawan ni Faye ang spadang hawak hawak niya.

"Tumakbo kana,dahil wala akong oras na makipag laban sayo, pag ako ay nainis mapapatay kita" nilagay muli ng lalaki ang spada niya sa bewang niya at saka tumalikod.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon