Chapter 21:Magandang Lugar

265 20 1
                                    

Chapter 21:Magandang Lugar

Faye Pov

*Paackk*

Napahawak ako sa batok ko nang bigla akong batukan ni Adeline.

"Ano bang problema mo? Nakanguso kong tanong habang nakatingin sa mata nilang dalawa.

"Alam mo ba ang ibig sabihin nang stupid ha!" sigaw ni Elena sa pagmumuka ko.

"Oo, ang ibig sabihin non diba maganda" pagpapaliwanag ko sakaniya. Napahawak ulit ako sa ulo ko nang bigla nanaman niya akong batukan.

"Hindi, ang ibig sabihin non ay B*b*" napatigil ako, as in. Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay b*b* ako? Lagot sakin yong hay*p na lalaking yon.

Gagantihan ko talaga siya kapag nakita ko siya.

"Ano? Alam mo na?" tanong ni Adeline na tinanguan ko.

"Kailangan ko munang magpahinga, may pupuntahan pa kase kami mamaya" hindi ko na sila hinintay na magpaalam saakin at pumunta nalang sa kuwarto ko.

Ibinagsak ko ang buong katawan ko sa kama. "Na miss kita" sabi ko at hinalik halikan ang unan, at kama ko. Namiss ko talaga kaseng humiga sa kama. Dahil malambot hindi kagaya noong isang gabi na natulog kami sa kagubatan.

Ang sakit sakit nang likuran ko pagkagising ko. Nang naalala ko ang kagubatan bigla kong naalala ang nangyari nang pinasabog ko ang lupa. At nang niyakap ko si Coden.

"Ahh" sigaw ko, kinuha ko ang unan na nasa uluhan ko at ipinantakit ito sa pagmumuka ko saka ulit ako nagsisigaw at nagpagulong gulong sakama.

Pag naaalala ko talaga yon nahihiya ako sa kagagawan ko.

Nang makapag relax na ako nilagay ko ulit ang unan ko sa uluhan at tumingin nalang sa kisame. Nakatitig lang ako doon habang inaalala ang masasayang araw na inalagaan ako nang lola ko. At ngayon, hindi ko na alam kung saan ko siya makikita pa.

Yung saya ko kanina, pati yung kahihiyan nawala at napalitan nang sakit. 'Bakit ko pa kailangang maging malungkot? Baka nandiyan lang siya sa tabi tabi. Dahil nararamdaman ko siya" tumabingi ako at pilit na pinapatulog ang sarili ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakatulog din ako.

Hindi ngalang ganon katagal.

****
Kinusot kusot ko ang mata ko at humikab bago ako tumayo at naginat inat na parang pusa.

Nang maging okay na ang katawan ko kaagad akong umupo sa kama, ganon ang naging itsura ko bago ako matauhan at kumuha nang magiging damit ko.

After 123456 years tapos na akong maligo ganon nadin ang magbihis.

Nang lumabas ako naghanap ako nang suklay at tinirintas ang buhok ko nang fish tale bago lumabas.

"Faye, nakapag pahinga ka naman nang maayos?" salubong saakin ni Elena, hindi ako sumagot at tumango nalang.

Kaagad akong pumunta sa kusina at naghanap nang malamig na maiinom dahil tuyong tuyo ang lalamunan ko. At kailangan kong uminom nang malamig na tubig para mawala.

"Bakit pala hindi kayo nakaayos? Diba may kasiyahan sa syudad?" tanong ko nang mapansin kong nakapambahay lang ang dalawa kong kaibigan.

"Hindi kami makakapunta, kailangan kase naming tumulong sa librarian" pagpapaliwanag ni Adeline. Kumunot ang noo ko, bakit kailangan pa nilang tumulong diba? Studyante din naman sila kagaya ko.

"Eto kaseng Elena nato nagingay sa library na ikinagalit nung librarian kaya pati ako nadamay kase ako yung kasama" imbes na magalit ako sa ginawa nilang dalawa eh natawa pa ako.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon