Chapter 46:Laban (part 4)

168 13 0
                                    

Chapter 46:Laban (part 4)

Someone Pov

*Ella, Todd, Eugine, and Josiah*

Nagtayo si Todd ng napakataas na bakal sa harapan nila, dahil sunod sunod na nagpalabas ang kalaban ng mga pampasabog at mga panang may mga lason. Na maaari mong ikamatay kapag natamaan ka.

Hanggang ngayon ay nakatago sila sa bakal, hindi kase sila makahanap ng tiyempo. Kaya nagtatago parin sila, yung mga napag-usapan nilang gagawin nila ay hindi nila magawa.

"Todd, maaari kabang gumawa ng bakal na maaari kong pagtaguan? Lalabas ako, hindi ako papayag na dito nalang ako" sabi ni Eugine.

Tinignan siya ng mga studyante ganon nadin ang ibang mangkukulam na tumulong sakanila. Tumango si Todd at naghanda, humanap siya ng maaaring pagtaguan ni Eugine. Hindi malayo, at hindi din malapit.

Ng makahanap siya ng maaaring pagtaguan ni Eugine, tinangal niya ang kuwintas niya at itinapon ito pataas. Maya maya lamang ay pinahaba niya ito at nilagay sa nakita niyang magandang puwesto.

"Josiah, maaari mo bang i-teleport si Eugine sa ginawa kong panangalang niya?" Tumango si Joasiah at hinawakan ang braso ni Eugine. Ipinikit niya ang mata niya at saka inisip na pupunta siya sa ginawang panangalang ni Todd.

Pagkapunta nila doon ay kaagad na naglaho si Josiah at bumalik sa pinagtataguan nila. Habang si Eugine ay sumilip.

Napasigaw ang mga babaeng studyante ng may palasong papalapit kay Eugine, nakita naman ito ng binata at hinawakan ang sintido niya. Ipinikit niya ng mariin ang mata niya at kinontrol ang mga pana.

Imbes na sakaniya pupunta ang mga pana, bumalik ito sa mga kalaban nila. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nakitang natamaan ang ibang kalaban.

May kapangyarihan sila, pero nakaanyong tao sila. Nakasuot din sila ng maskara na kulay itim. Sa totoo lang ang suot nila ay kulay itim din. Halos hindi makikita ang mga balat nila.

"Tayo naman ang susunod na aatake" may halong pagka excitement ang muka ni Josiah ng sinabi niya iyon. Ngumisi naman sina Todd at Ella.

"Mag 'si handa kayo" sabi ni Todd, dahil handa na nitong gibain ang bakal na pinag tataguan nila.

Nagsipag handa naman ang mga studynate, pati narin ang mangkukulam. Nagbilang si Todd sa utak niya, isa hanggang tatlo.

Ng makatatlo, binuka niya ng napakalaki ang bakal.

Nakita ng mga kalaban na nahati sa gitna ang bakal, kaya nagsipag handa na din sila.

Ng mabuksan ni Todd ang bakal, nagsipag takbuhan palabas ang mga nagtatago. Inihanda nila ang kanilang spada at nakipag laban sa mga nakasuot ng itim na damit.

Habang ang ibang studyante ay nagtago sa taas ng puno at niready ang kanilang palaso. Ngayon na hindi na nagpapasabog ang mga kalaban, nagkaroon sila ng pagkakataon na gawin ang mga napag-usapan nila.

Si Ella, at Josiah ay magkahawak ng kamay. Ginagamit kase ni Ella ang kapangharihan niyang maglaho. Para hindi rin makita si Josiah ay hinawakan niya ang kamay nito.

Sinasaksak saksak nila patalikod ang mga kalaban, dahil hindi nga sila nakikita. Kaya pagkakataon na nilang makapaslang ng madaming kalaban.

"Lumabas kayo diyan!" sigaw ng kalaban nila habang winawasiwas ang spada niya, napansin na niya kaseng may napapaslang, pero hindi naman niya ito nakikita. Kaya ginawa niya iyon, nagbabakasakaling mapaslang niya ang may gawa non.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon