Chater 38:Pagiwan sa ere(Char)

220 16 4
                                    

Chapter 38:Pagiwan sa Ere(Char)

Faye Pov

Napanganga nalang ako ng lumabas siya, ang guwapo niya, bagay na bagay sakaniya yung damit na pinili ko para sakaniya.

"Isarado mo yung bunganga mo, baka pasukan ng langaw" kaagad kong isinarado ang bunganga ko, hindi ko manlang namalayan na nakanganga na pala ako.

Eh kase ang guwapo niya eh.

"Ano Faye? Bagay ba sakin?" at saka siya umikot sa harap ko.

"Oo, bagay na bagay sayo" sabay ngiti ko sa kaniya.

"Kung ganon halikana" hinawakan niya ang braso ko at pinatayo sa inuupuan ko, tinignan ko naman ang suot niya.

"Hindi kaba magpapalit ng damit?" tumingin siya sa suot niyang damit at saka siya tumingin saakin.

"Hindi na, isusuot ko nalang to kase bigay mo" sabay hila nito ulit saakin, ng nakarating na kami sa counter binayaran na namin ang damit na binili ko.

"Salamat sa pagsama mo Sakin Faye"

"Walang ano man, siyempre kaibigan kita" ngumiti lang siya saakin ng kaunti, ewan ko kung anong nangyari sakaniya. Kase pagkatapos kong sabihin sakaniya na kaibigan kami eh hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa Condo.

Magkasama parin naman kami papunta don, dahil magkikita daw kami sa tambayan nila.

.
.
.

"Kamusta date ninyo ni Jonax?" tanong ni Sharon ng makalapit ako sakanila.

Hindi naman ako sumagot at umupo sa sofa, pagod na kase akong maglakad. Hindi lang yon, napagod din ako sa practice namin ni Coden. Hindi pa ako nagpapahinga.

"Hoy! May ginawa kayo ni Jonax noh kaya pagod ka!" si Josiah.

"Hoy wala kaming ginawa ni Faye! Kumain lang kami tapos naghanap ng damit saka kami naglakad pauwi."

"Wee! Yun lang ba talaga?" si Josiah ulit.

"Oo nga, kulit!"

Napatakip ako ng bunganga ko at saka humikab, kinuha ko ang unan sa likod ng inuupuan ko at saka ko ito niyakap hanggang sa nakatulog na ngalang ako.

"Faye, faye, faye gumising ka" nakarinig ako ng malambing na boses, at may kasamang yugyog pa sakin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at doon ko nakita si Coden. Magkalapit ang muka namin na kulang nalang ay magkahalikan na kami kaya lumaki ang mata ko at nilayo ko ang muka ko sakaniya.

"A-anong ginagawa mo?" bulong ko.

"Ginigising ka, halata naman diba" sabay irap niya, nilayo niya ang muka niya sakin at tumayo ng tuwid saka siya naglakad palayo.

Dahil sa inasta niya ay napaupo ako ng maayos ng hindi oras, doon ko nakita ang mga elites na natutulog sa sahig. May banig pa sila at madaming nagkalat na popcorn sa higaan nila ganon nadin ang coke in can.

Nagdahan dahan akong lumakad at sinundan si Coden at doon ko siya nakita. Nakatingin siya sa langit habang nakatayo.

"Ayos kalang ba Walk out Prince" napatingin siya saakin habang nakakunot ang noo.

"Faye, sabihin mo nga sakin... May naaalala kanaba?" bigla akong kinabahan sa sinabi niya, napalunok ako ako at saka sunod sunod na umiling.

"W-wala p-pa" utal utal kong sabi, kumonot ang noo niya at dahan dahan na lumapit saakin habang ako naman ay dahan dahan na umaatras.

"Magsabi ka sakin ng totoo, dahil sa mga inaasta mo kanina pang umaga alam kong bumalik na ang alaala mo" napayuko nalang ako at hindi na ako sumagot, pero patuloy parin naman ako sa pagatras at siya naman ay patuloy din sa pagabante.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon