Chapter 7:Ginintuang Tren

407 22 0
                                    

Chapter 7:Ginintuang Tren

Faye Pov

Napahawak ako sa balakang ko nang tumayo ako, ang sakit huhuhu. Nasaan na ako? Tuluyan na nga talaga akong naligaw sa lugar na ito.

Nakakainis lang dahil kung kailan pa ako nakalaya sa mga hayop na iyon, bigla naman akong nadulas at nakapunta sa madilim na lugar na ito.

Nakaramdam ako nang sobrang lamig, siguro ay dahil sa simoy nang hangin. Kinapa kapa ko ang mga nahahawakan ko, dahil hindi talaga ako makakita.

"Tao po!" para akong ewan na sumisigaw dito, kahit na alam kong wala namag sasagot dahil nasa ibaba ata ako nang lupa napunta.

Kung ipagpabukas ko nalang kaya ang pagtakas ko dito? Kailangan ko 'rin nang lakas.

Sumandal ako sa parang bato at pinikit ang mga mata ko.

*Panaginip*

"Lola! Nasaan kana?" linilibot ko ang buong bahay namin para lang makita siya.

Nasan na kaya si Lola? Bakit hindi ko siya makita? Siguro ay nasa silid aklatan siya at nagbabasa nanaman nang librong wala namang sulat.

Napangiti nalang ako sa naisip ko, nang makarating ako sa silid aklatan nakita ko siyang nakatalikod habang nagbabasa. Siguro ay natutulog siya dahil hindi ito gumagalaw.

Nang makalapiit ako sa kaniya inikot ko nang ubod lakas ang upuan, napaupo nalang ako sa sahig at naagsimulang umiyak.

S-si l-lola p-patay n-na s-siya, nakadilat ang mga mata nito at puro dugo ang ulo.

*Katapusan nang panaginip*

"Lola!" pawis na pawis ako pagising ko, ano bang klaseng  panaginip yon? B-bakit ganon si lola?

"Lola!" tawag ko sa pangalan niya, alam kong walang makakarinig saakin pero gusto ko paring sumigaw. Baka may tao sa taas at nagbabaka sakali akong tulungan nila akong ibalik sa lola ko.

"Huhuhu"

"Awwwooo"

Nanginig ang buong katawan ko nang makarinig ako nang alulong, 'Hindi kaya nasundan ako nang mga halimaw na iyon?'

Nakarinig ako nang pagbagsak, napahawak ako sa malaking bato at hinitay ang pagdating nang hayop saakin.

"Ggrrr"

Napasiksik ako sa batong kinasasandalan ko nang makita ko kung sino iyon. Ang pinuno nang mga halimaw, parang nanlilisik ang mga mata niya nang makita ko ito.

"Ahhh!" sigaw ko nang kagatin niya ang damit ko at walang kahirap hirap niya akong tinapon.

Sumasakit pa ang likod ko nang naramdaman kong umaalog ang lupa. "A-anong nangyayari?" pinaliit ko ang mata ko at pilit na inaaninag ang naging puwesto ko kanina.

"Chùélśù" pati ako ay nagtaka sa mga pinagsasabi ko, pero nakita ko kung ano ang buong paligid. Isang malaking halimaw, at isang ulo nang asong lobo. Nakatayo ito sa harap nang malaking bato.

Ang huli ko lang nakita ay bigla nalang hinampas nang batong gumagalaw ang asong lobo, kaya nagkaroon nang malakas na paglindol pero hindi ko na sunod pang nakita ang nangyari nang bigla nalang nagdilim ulit ang paningin ko.

Hindi ako nahimatay o ano paman,  ang nangyari lang ay hindi na ako makakita pa. Parang bumalik ako sa kadilimang walang katapusan.

Nakaramdam nanaman ako nang biglang paglindol. Nakahawak lang ako sa ulo ko dahil baka bigla nalang lumindol at matamaan ako sa ulo. Baka yun pa ang ikamatay ko.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon