Chapter 33:Pagbabalik muli

230 15 2
                                    

Chapter 33:Pagbabalik muli

Sharon Pov

Pagkatapos naming kumain ay nagsi higa kami, nakahiga ngayon si Faye/China sa kama ni bossing.

Nakakagulat nga eh, kase kahit kami walang nakakahiga sa kama niya. Masiyado kase siyang maarte, dinaig pa ang babae kaya yung ibang miyembro namin ay naiinis sakaniya.

Siyempre kasama na ako doon, ngayon ay nakahiga siya sa Sofa bed, buti nalang at may ganon dito sa dorm namin para may dagdag pang higaan.

"China, alam mo ba? May napanaginipan ako. May isang babaeng nakapunta sa ibang mundo, ang pangalan niya ay Faye, nakilala niya ang miyembro ng mga elites at pagkatapos noon ay sumama siya. Siya ang kauna unahang nakalakad patungo sa bossing ng mga elites at doon siya naging miyembro, naging malapit ang miyembro ng Elites kay Faye pero isang araw nawala nalang siya nang biglaan kaya nalungkot ang mga kaibigan niya"

Pagkukwento ko sakaniya, gusto kong ipaalala sakaniya kung paano kami nagkakilala. Kaya sana naman ay maalala na niya kami, dahil hindi ko mapigilang tignan siya ng hindi kami nagbibiruan.

"Kawawa naman ang mga kaibigan niya, sana ay mahanap na nila yung babaeng yon" si China/Faye.

"Nahanap nila yung babae, pero wala siyang matandaan kahit na isa sakanila. Kaya ngayon nalulungkot sila" umupo ako at tumingin sa mga elites, natutulog na pala sila hindi ko manlang napansin. "Matulog na tayo, may pasok pa ata tayo bukas"

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot, hindi para umiyak ng patago kung hindi ngumiti ng malungkot, ayokong ipakitang nasasaktan ako, ayoko.

.
.
.

*Kinabukasan*

Umupo ako sa kama at naginat habang nakapikit, ng maimulat ko ang mata ko ay nakita ko doon ang mga kasamahan ko na natutulog parin.

Sa totoo lang kung bakit ako nagising ay dahil may naririnig akong malakas na kidlat, hindi lang ito basta kidlat. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana para tumingin sa kalangitan.

"Mukang may masamang nangyayari sa mundo namin" bulong ko, tumingin ako sa gawi nila Bossing habanag patuloy parin sa pagtulog nila.

Tumingin ako sa kalangitan at nagmadaling pumasok, isinarado ko ang bintana ganon nadin ang kurtina sabay lapit sa sisidla ko kung saan nandoon ang hologram.

Hinanap ko ang nanay na nakasulat, hindi naman ako nahirapan sabay pindot. Matagal bago siya sagutin.

"Nay, may nangyayari po ba diyan?" tanong ko, hindi ko talaga siya totoong nanay, nanay nanayan ko lang dahil bata palang ako ay naulila na ako. Buti na ngalang at nakilala ko si Nanay Melda at kinupkop niya ako.

"Anak, may sumasalakay ngayon na mababangis na hayop sa mundo natin, kung kaya't wagka munang bumalik dito" dahil sa sinabi niya ay kinabahan ako.

Ayoko ng mawalan ulit ng pamilya, kaya babalik ako sa mundo namin kahit wala pang naaalala si Faye.

"Sige po Nanay, magiingat po kayo" sabay patay ko ng Hologram.

Lumapit ako kay Craig at sinipa ito, kaagad naman siyang nagising at sinamaan ako ng tingin.

"Ano bang problema mo ha! Natutulog yung tao eh" magtatalukbong sana siya ng kumot ng sapakin ko siya. "Ano ba! Maaga pa para manggising"

"Sira ulo ka! Gumising kana, tumingin ka sa bintana" tumayo siya kahit na antok na antok na at sumilip sa bintana, dahil sa naantok pa siya kahit nakamulat ang mata niya ay nauntog siya.

Gusto kong tumawa sa katangahan niya pero pinigilan ko.

"Aray ko" sabay haplos nito sa noo niya, napahawak ako sa labi ko at nagpigil ng tawa pero mukang napansin niya ang ginawa ko. "Anong nakakatawa huh?" umiling iling ako ng sunod sunod habang nakahawak parin sa labi ko.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon