Chapter 2:Pagiinsayo

665 25 0
                                    

Chapter2:Pagiinsayo

Faye Pov

"Apo gumising kana" naramdaman ko ang pagtangal nang kumot mula saaking katawan, hindi ko pinansin ang sinabi ni Lola at kinuha ang kumot na inagaw nya saakin at natulog ulit.

"Ayaw mong gumising ha?" akala ko ay wala na si Lola pero nandyan pa pala sya, nakaramdam ako nang malamig na tubig kaya Napatayo ako at napatingin sa aking kasuotan.

"Lola! Ano po ba ang kailangan nyo? Maaga pa naman po" nakanguso kong sabi sa kaniya at umupo sa aking hinihigaan.

"Basta, maligo kana" wala na akong nagawa nang umalis na sya sa kuwarto ko, tumayo ako at kumuha nang tuwalya pang punas nang katawan ko. Bumaba na ako dahil dun ang palikuran namin.

Pagkababa ko, nakita ko syang mayhawak hawak na kahoy. "Apo dalian mo na" nagtatakbo ako papunta sa palikuran, kumuha ako nang timba at nilagay sa palikuran.

Pagkatapos kong naligo pumunta ako sa kuwarto ko at nagpalit nang damit. Pantalon at tshirt lang ang sinuot ko.

Nagmadali na akong bumaba nang kuwarto at pumunta sa puwesto ni Lola.

"Lola tapos napo ako" sabi ko nang makalapit na ako sa puwesto nya. May ipinahawak sya saaking kahoy.

"Lola para saan po ito?" tanong ko habang sinusuri ang kahoy na pinahawak nya saakin.

"Ahh!" napatili ako nang pinalo nya ang paa ko, napahawak ako dito dahil sa sobrang sakit. Gusto ko nalang tuloy umiyak nang umiyak dahil ngayon ko lang naranasang mapalo.

"Kailangan mong lumaban!" tapos pinalo nanaman nya ako pero sa puwet na. "Ano ba? Iiyak kanalang dyan? Paano kapag oras na ha! Anong gagawin mo? Mamamatay ka nalang?" nagtaka ako sa mga pinagsasabi nang lola ko.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para tignan sya, napapikit nalang ako nang mariin nang maramdaman ko ulit ang pagkakahampas nya. Napaluhod nalang ako at umiyak.

"Lola tama napo, ayoko na" umiiyak kong sabi habang umiiling.

"Anong tama na? Kailangan mo akong labanan Hija! Kailangan mo akong labanan!" sigaw nya saakin, napatayo ako at sinugod ang lola ko. Pero hindi ko sya masaktan dahil sinasanga nya lahat ang mga atake ko "Ganyan nga! Labanan mo ako" sinunod ko ang sinabi nya.

Sinugod ko sya at winasiwas ang kahoy na binigay niya saakin. "Magaling, ngayon ay magpahinga kana at magiinsayo ulit tayo" kinuha ni Lola, ang tungkod nya at naglakad.

Nakatingin lang ako sa likod nyang papaalis sa puwesto ko, nang mawala na sya napaupo nalang ako sa damuhan at tinignan ang pinalo nya saakin. Namumula, at may bakas nang kahoy.

Hinaplos haplos ko ito nang dahan dahan dahil sobrang sakit talaga nang nararamdaman ko.

"Ipag patuloy na natin ang pageensayo" napatayo ako at sumunod sa sinabi nang lola ko, dahil ayoko nang mapalo ulit ay umayos na ako at nakipag hampasan sa kaniya nang kahoy.

"Faye, apo makinig ka salahat nang sasabihin ko" sabi nya habang patuloy kami sa pakikipag laban sa isa't isa. "Kailangan mong matutunong makipag laban, hindi lahat nang mga taong nakapaligid sayo ay mabubuti. At hindi lahat nang mga kasama mo ay pagkakatiwalaan, tandaan mo ito... Sa oras na mamatay ako, wagna wagkang magtitiwala sa iba."

Napatigil ako sa pagsangga sa mga atakeng ginagawa ni Lola, dahil don bigla nalang nya akong natamaan sa braso.

"Apo! Wagkang magiisip nang kung ano ano bagkus ay nakatingin kalang sa mga kalaban mo" hinampas nanaman ako ni Lola, at ngayon nasanga kona ulit. Kahit nagtataka ako sa ginagawa namin ay nagpatuloy parin kami.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon