Chapter 20:Prank

273 19 4
                                    

Chapter 20:Prank

Faye Pov

Nang tuluyan kaming nakalaya, nagpasalamat saamin ang mga mabubuting mangkukulam at hinihiling na sana daw ay makadalo kami mamayang gabi sa kasiyahang gagawin nila. At sino naman kami para tumangi diba?

"Tobb! Bakit hindi mo manlang sinabi saamin na nakahanap ka pala nang lagusan, edi sana natulungan namin ang mga babae" ani Eugine nang tuluyan na kaming nakalapit sa gawi nila.

"Busy kase kayo kaya hindi ko na kayo inistorbo" sabi naman ni Tobb.

"Kahit na! Puwede mo naman kaming istorbohin" ani Coden.

"Puwede daw, pero kapag iniistorbo nagagalit" rinig kong bulong ni Tobb na katabi ko, nagkatinginan kami sa mata at nagmaang maangan siya na hindi niya sinabi ang binulong niya.

Napailing naman ako sa inasta niya at natawa nadin, dahil sa wakas ay hindi lang ako ang nakakaramdam nang inis sakaniya.

"Kamusta naman sa loob? May mga nakalaban ba kayo?" tanong ni Coden.

"Alangan, hindi namin alam kung namatay ba ang iba o nabubuhay pa. Pero hayaan mo na, dahil nabawi naman natin ang mga mabubuting mangkukulam" ani ko.

"Kailangan nating durugin o pasabugin ang lupa para masiguro nating mamamatay sila" ani coden, lumapit siya saakin at dahan dahang binaba ang kamay niya para abutin ang kamay ko.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong, naiilang kase ako sa ginagawa niya. Kung makahawak siya saakin grabe ang higpit na kulang nalang ay ayaw niya akong palayain.

"Tinuturuan ka" bulong nito sa tenga ko, kaagad kong iniwas ang ulo ko sakaniya dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"Ganiyan ba talaga magturo si Bossing?" rinig kong sabi ni Josiah.

"Hindi, ginagamitan nga niya kami nang kapangyarihan niya dahil ayaw niyang may ibang humahawak sakaniya" ani Sharon. Napatingin ako kay Coden na seryosong nakatingin sa lupa.

"Sundin mo ang inuutos ko" itinango ko ang ulo ko at bumuntong hininga. "Ipikit mo ang mga mata mo at isiping magkaisa kayo nang lupa" sinunod ko ang iniutos niya, ipinikit ko ang mga mata ko at inisip na kami nang lupa ay iisa lang.

Nakaramdam ako nang malakas na kapangyarihan na dumadaloy sa kamay ko. "Ngayon ay durugin mo sila" ginawa kong muli ang ipinaguutos niya.

Hinigpitan ko ang kamay ko at biglang isinara ito, nakarinig kami nang malakas na pagsabog dahilan para maimulat ko ang mata ko at doon ko nakita ang durog durog na lupa.

Dahil sa labis na saya, hindi ko mapigilang mayakap si Coden "Maraming salamat coden" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakaniya, dahil sawakas ay may kapangyarihan na nga ako.

"Ehem" rinig kong pagtikhim ni Coden, kaagad akong bumitaw sa pagkakayakap sakaniya habang namumula ang mga muka ko.

"Pasensiya na" bulong ko pero sapat na para kami lang dalawa ang nakakarinig, kaagad akong lumapit kila Ava para mawala ang kahihiyang nagawa ko.

Buti na ngalang at hindi nakita nang mga kasamahan ko, o baka naman nakita nila pero nagmamaang maangan silang hindi nila yon nakita.

"Umuwi na tayo, baka hinahanap na ni Dean si Faye" ani Coden, at nagsimulang maglakad. Kagaya nang palagi niyang ginagawa, at kami naman ay nasa hulihan lang niya.

****
"Faye! Bakit ka lumabas nang walang paalam ha! Paano kapag may mangyari sayong masama?" yan kaagad ang sinalubong saamin ni Dean nang nakapunta na kami sa paaralan.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon