Chapter 35:Laban sa pagitan ng wizard at halimaw (part 2)

224 12 4
                                    

Chapter 35:Laban sa pagitan ng wizard at halimaw (part 2)

Faye/China Pov

Hinarang ni Coden ang kamay niya saakin at nilagay niya ako sa likod niya.

"Kailangan kitang protektahan lalo na't wala kapang matandaan" si Coden, hindi naman ako umimik at sumilip nalang sa sa dambuhalang Gorilla.

"Kahit itago mo siya papatayin ko parin siya, dahil pagkatapos mong mamatay, susunod siya" sabay tawa nito, napaka lalim ng boses niya na ikinabagay niya, dahil sa laki niyang halimaw.

Dahil sa mga sinabi niya ay na blangko ang utak ko at kusang gumalaw ang mga katawan ko, itinaas ko ang kamay ko at doon nagpakita ang spada.

Hahampasin na sana niya ako kaya lang ay nahiwa ko ang palad niya, hahampasin na naman niya sana ako gamit ang isa pa ay hiniwa ko lang ulit ito.

"Faye! Ano ba ang ginagawa mo!" napalingon ako kay Coden ng sumigaw ito, dahil sa paglingon ko ay hindi ko napansing hahampasin nanaman niya ako kaya tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay.

Nahilo ako dahil sa pagkakatama ng likod ko kaya pinikit ko ng mariin ang mata ko at nagpahinga.

"Ayos kalang" dahan dahan kong minulat ang mata ko at doon ko nakita na malapit na pala ang muka namin sa isa't isa kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.

"A-ayos lang ako" nanghihina kong sabi, tatayo na sana ako nang buhatin niya ako ng pangkasal. Tinignan ko ang guwapo niyang muka, pero hindi ko pinahalata.

Ang guwapo niya pala lalo na sa malapitan, pero ano ko ba siya noong may naaalala pa ako? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Aww aww" napatingin ako sa baba ng marinig ko ang isang tahol ng aso, kasunod naman nito ang dalawang babae at hinahabol ito.

Ng makalapit sila ay nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin saakin. "F-faye? Faye" sabay yakap sakin ng babae kahit na buhat buhat parin ako hanggang ngayon ni Coden.

"Sino kayo?" tanong ko, nagkatinginan naman silang dalawa.

"Wagka ngang magbiro ng ganiyan Faye, hindi nakakatuwa" sabi ng isa pang babae.

"Hindi nagbibiro si Faye, kaya kung maaari ay pumunta na kayo sa gym dahil sa lugar na iyon lang kayo ligtas" nagyukuan naman ang dalawa at binuhat ang aso, ayaw namang sumama nung aso kaya lang ay natangay na siya.

"Sino sila?" tanong ko.

"Mga kaibigan mo" sagot niya.

"Sino sila?" tanong ko ulit.

"Aba malay ko, hindi ko naman sila kilala eh"

Grabe siya, alam niyang kaibigan ko sila pero hindi niya alam kung ano ang panglan nung dalawa.

"Maglakad ka na nga, parang hindi ka naman na hihilo eh" sabay baba nito saakin, hindi naman ako umimik at sumabay nalang sa paglalakad. "Ihahatid kita sa Gym, hindi ka puwedeng sumama saakin dahil wala kapang maalala, kaya doon ka nalang muna"

"Pero gusto kong sumama sainyo, kahit manood lang ako sa laban ninyo"

"Hindi biro ang pakikipag laban, kaya pumunta ka nalang sa gym"

"Eh ayoko nga!"

.
.
.

At ngayon nandito ako nakaupo habang pinapanood sila na nakikipag laban. Nandito sila, nakapalibot saakin para hindi ako malapitan ng mga halimaw.

Tignan mo mga naman, para lang akong nanonood ng movie, kulang na ngalang ay pop corn para talagang ma enjoy ko ang panonood. Dati nakikita ko lang ang ito sa Tv pero ngayon sa totoong buhay na.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon