Chapter 29:Pagkawala

254 19 1
                                    

Chapter 29:Pagkawala

Faye Pov

"Alis na ako" pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko dahil tapos nadin naman na akong kumain at nakaligo narin ako kanina.

"Sige, magiingat kayo" si Adeline.

Nilagyan ko ng tali sa leeg si Aww aww at naglakad palabas ng dorm namin.

"San tayo pupunta?" rinig kong tanong ni Aww aww, tinignan ko siya at nagsalita.

"Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng asong madaldal" pagbibiro ko.

"Ako palang kase ang nakikita mong aso"

"Hindi kaya, madami na" pagsisinungaling ko kahit siya palang talaga ang nakikita ko, ayoko kaseng mapahiya kaya nagsinungaling nalang ako.

"Sabi mo eh"

Habang nililibot namin ang buong paligid, may mga studyanteng nakabihis para siguro makapunta sa mga pamilya nila o dikaya'y mamamasyal sila sa ibang syudad kasama ang mga kaibigan at kaklase nila.

Nilibot ko pa ang buong paningin ko at doon ko nakita si Coden.

"Huy! Sino tinitignan mo? Yung lalaking yon ba? Yung taong mahal mo"

"Sino?"

"Si Coden, hindi ba siya ang taong mahal mo? Sinabi yon ng mga kaibigan mo kaya hindi mo sila nakakasama"

"Hindi yon totoo, at isa pa iba ang tinitibok ng puso ko"

"At sino naman yon?"

"Basta wagka 'nang magtanong pa" naglakad kami ulit ni Aww aww, napaka tahimik naming dalawa at walang nagbalak na pumutol sa katahimikang iyon.

Pagkatapos naming mamasyal na walang nagiingay ay bumalik na kaming dalawa sa dorm.

"Kamusta naman ang pasyal niyo?"salubong saamin ni Adeline dahil siya ang nagbukas ng pintuan.

"Ayos lang naman, halina kayo, may time pa naman tayo para mamasyal"

"Sige!" sigaw ni Elena na sumulpot nalang sa likod ni Adeline, nakaayos na silang dalawa, halatang pinaghandaan talaga nila ito.

"Aww aww, bantayan mo ang Dorm ha, baka may magnakaw" ani ko sabay himas ng leeg at ulo niya. "Halina kayo" sabay tayo ko, ako ang naunang lumakad habang ang dalawa naman ay nakasunod lang saakin. Siyempre nilock muna namin yung dorm para wala talagang makapasok.

"So... Saan tayo mamamasyal?" tanong ko.

"Dito lang din naman, pero magda date tayong tatlo!" may kasamang tili ang sinabi ni Ella 'Ganon naba talaga nila ako kamiss kaya magaya silang mag date?' tanong ko sa isipan ko.

Pero kung ako naman sila at ang isa sa mga kaibigan ko ay wala ng time para sa pagkakaibigan namin satingin ko mag dadate din talaga kaming tatlo.

Pumunta kami sa Garden dahil doon daw kami mag dadate na tatlo, ng makarating kami doon ay hindi naman ganon kalakas ang sikat ng araw kaya ayos lang.

"Sorry hehehe, ganito lang ang nagawa namin" si Elena, hindi naman masama ang ginawa nila, sa totoo nga niyan ay nagustohan ko.

"Ang ganda" hindi ko mapigilang ilabas yon sa bibig ko.

"Totoo?" si elena.

"Oo, ang ganda, paano niyo ito nagawa?"

"Ginamitan lang namin siya ng kaunting salamangka, kaunti lang naman" si Adeline.

Habang tumatagal ay mas lalo ko silang nakikilala, at nagugustohan.

"Maraming salamat" sabay ngiti ko sa kanila.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon