AZAREAH'S POV
Nandito parin kami sa canteen at kakaalis lang nila Braylee para ihatid sila Bentley.
"Ang tagal naman ni Randall. Ano ba binili nun?" reklamo ni Kellan.
"Aba malay ko," kibit-balikat na tugon ni Finlay.
"Tara na kung ganon, alam naman nya pabalik," suhesyon ko.
Tumayo na ako at inayos ang suot. Sumunod naman sila John, Madeleine at mga kaibigan nya.
"Tagal din bumalik ng kaibigan mo huh?" nakangising anas ni John malapit sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Kakaalis lang nila 'di ba? Balik agad?" sarkastiko kong patanong na sagot. Bumaling ako kina Kellan. "Tara na, ang bagal ng kaibigan nyo parang babae!"
"Oh, ayan na sya," sigaw ni Finlay.
Parang bata.
Tumuloy na ako at hindi na sila nilingon pa. Ayaw ko sa lahat iyong mabagal.
"Hintay naman," biglang tabi ni Finlay sa kanan ko. "Nagmamadali ka?"
"Hindi," tipid kong sagot.
"E bakit ka nagmamadali."
"Hindi nga."
"Bakit ang bilis mong humakbang kung 'di ka nagmamadali?"
Napansin ko agad na ang bilis ko nga maglakad at binagalan ko na rin.
"Pasensya na nakalimutan kong 'di mahabol ng biyas mo ang hakbang ko," bahagya akong ngumiti.
Narinig ko ang pagtawa nya.
"Ang sama-sama ng mga sinasabi ko alam mo ba iyon?"
"Oo, self-conscious ako e," pag-angkin ko.
"Pasalamat ka gusto kita," bulong nya na hindi ko narinig ng maayos.
"Ano sabi mo?" binalingan ko na sya.
"Ang gwapo ko kako!"
"Umalis kanga, mababatukan kita e," natatawa kong sabi.
"Grabe talaga 'to!"
"Hmp," tinuloy na namin ang paglakad.
Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito.
"Mauna na kayo sa classroom," mensahe galing kay Braylee.
Nagtipa ako. "Oo, wala naman kaming balak maghintay sa inyo sa canteen," senend ko iyon na may ilang emoji na tumatawa sa huli.
Umakyat na kami sa ikalawang palapag ng building ng senior high.
"Banyo lang ako," paalam ni Finlay.
"Hindi ka naman magpapahintay 'no?"
"Pwede mo rin akong samahan," pilyo itong ngumisi sa akin. Nawawala ang mata nya kapag ginagawa nya iyon.
"Manyak!" sigaw ko sa kanya kaya napatingin ang iba na nasa hallway.
"Hoy! 'Wag ka ngang sumigaw! Pinapahiya mo ko!"
"Sumisigaw ka rin!"
"Loko ka e!"
Tatawa-tawa akong nilagpasan sya at nakita ko pa ang pagpunta nya sa banyo.
"Sumama siguro ang kaibigan mo kina Bentley," biglang sulpot ni John, dahilan para mabura ang ngiti ko. "Tagal e," dagdag nya pa nang nakangisi.
"Alam mo, napakakialamero mo."
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Loading
FanfictionANG CRUSH KONG LOADING Halos tayo mahilig mag-internet, araw-araw nakababad sa social media, nag-a-upload ng litrato, nagda-download ng music at video, nakikipagchat at iba pa. Pero paano kung ang taong gusto mo ay dinaig pa ang hina ng signal sa bu...