ACKL 16

69 5 6
                                    

RANDALL'S POV

"Kuya auditor ako sa klase namin!" inis na kwento ni Cesy na nasa tabi ko.

Naglalakad kami ngayon pababa sa sentro ng lungsod kasama si Kellan at Finlay.

"Pareho pala kayong officer ng Kuya mo Cesy," pigil tawang singit ni Kellan habang ang tingin ay nanunukso.

Inismidan ko sya.

"Talaga?" sinukbit ni Cesy ang kamay nya sa braso ko. "Anong position mo Kuya?"

Hindi ko sya sinagot. At tinapunan ng masamang tingin si Kellan na iniwas ang paningin sa akin habang sumisipol pa.

"Kuya," inuga nya ang braso ko.

"Wala yun," ngumisi ako.

"Eh" 'di kumbensidong usal nito.

"Prince Charming ang Kuya mo Cesy!"

Itinulak ko si Finlay. "Gago, sinabi pa talaga!"

Tumawa naman sila at sinimangutan ko lang sya.

Wala akong planong sabihin sa pamilya ko iyon. Pero mukhang 'di ganon ang mangyayari!

"Hahahaha ang gwapo mo nga naman Kuya!"

"Tumahimik ka, 'di ko gusto iyon. Napilitan lang ako."

"Pero Prince Charming kana ng klase mo kahit 'di mo gusto!"

Nambubuyo ang mata nya. Kaya pilit ko nalang syang nginitian.

"Ano pa nga ba!"

Wala na akong magagawa ro'n. Kahit naiinis akong naiisip 'yon ay wala nang mababago!

"Sisikat kana nyan Kuya," mahina nya akong kinurot sa braso ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Sa itsura mo ba naman, siguradong maraming maghahabol sayong mga babaeng estudyante."

"Nako kung alam mo lang, 'yang Kuya mo sa room, pinagkakaguluhan ng mga classmate naming babae pati bakla," sabat ni Kellan.

"Tigilan mo nga ang pagsingit ng mga ganyan! Kung ano-ano sinasabi mo sa kapatid ko!" singhal ko sa kanya saka lumayo sa akin nang ambaan ko ng suntok.

"Ang humble ng kaibigan natin!" si Finlay, na tumabi kay Kellan.

"Anong humble pinagsasabi mo?"

"Mapagkumbaba kuya!" si Cesy.

"Ahhh okay."

"Palibhasa pogi kaya naggaganyan!" si Kellan. "Naging prince charm--- opps!"

Lumayo sya sa amin nang akmang hahampasin ko na naman sya.

"'Yan lumayo ka sa akin! Nakakapikon kana!" bulyaw ko.

Nagsulyapan tuloy ang mga estudyanteng naglalakad sa unahan namin sa napalakas kong  pagsuway.

"Uy KC!" tawag ni Cesy sa isang babaeng nasa unahan.

"C-cesy," gulat nitong lingon. "Hi po," baling nito sa amin nila Kellan.

Ngumiti kami sa kanya. At bumaling kay Cesy. "Kuya sasabay ako sa kanila huh?"

"Magkita nalang tayo sa panaderya," kinapa ko ang limang piso ko sa bulsa saka hinugot iyon at inabot sa kanya.

"Salamat kuya!" at sinuklian nya ako ng matamis na ngiti.

"Iyan lang meron ako, pamasahe na natin andito. Ingat kayo," at nagpaalam na sila sa amin at tumawid sa kabilang parting kalsada.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now