BELLAMY'S POV
Matapos kong mahingi ang number ni Bentley ay nagpaalam na sila.
"See you? Soon!" masaya nitong paalam sa akin.
Bumalik ako sa loob, wala na akong masyadong ginawa. Hindi narin nila ako pinilit na makisabay sa kulitin nila dahil sa naging tanong ni John sa akin. Nakaupo lang ako habang sila ay nagkukulitan, nagkukwentuhan at nagsasayawan.
"Ang weird nila," napunta kay Azareah tingin ko. "'Di ba?"
Tumango ako. "Tama ka, ewan ko kung saan nila nakukuha ang lakas ng loob nila para umakto ng ganyan sa maraming tao."
"It's normal."
Nalilito kong tinignan sya. "Anong ibig mo sabihin?"
"Tayo ang hindi normal, people should enjoy life. Gawin ang bagay na ginagawa nila. It's just us," tinuro nya ang mga bago naming kaklase na sumasabay sa trip ng iba. "Tayo lang, who think they're weird, dahil sa sobra nating ka-serious lahat ng ginagawa nila ay nagiging masakit sa ating mata."
That makes sense. Nangiti ako sa sinabi nya. "I think magkakasundo tayo sa bagay na iyan."
"Me too."
"Tayo pala ang weird!" nagtawanan kami.
Nakaupo lang kaming dalawa, pinuntirya ang pagkain sa mesa. Nagpalitan din kami ng tanong para makilala ang isa't isa, umiwas naman kaming magtanong sa personal naming buhay.
Gusto pa nilang mag-stay ng matagal. Kaya nagdesisyon akong mauna na. I announced na uuwi na ako pumayag ang iba, ang iba naman ay ilang na tinanguan ako.
"Uuwi kana?" Randall.
Tinanguan ko sya. Tinapik ko si Braylee, sinenyasan na mauuna na ako. Himala! Hindi nya ako pinigilan ngayon, busy sya kakwentuhan si Azareah at ilang bago naming kaklase.
"Hatid na kita sa labas," nagtaka ako sa alok ni Randall.
"Hindi na kailangan, salamat," nagpaalam na ako sa kanila. Nginitian ako ni Madeleine at kumaway ang mga kaibigan nya sa akin. Kumaway rin ako kay John.
Ayaw ko ng may kaaway. Baka nag-o-overthink lang ako. Hindi ko pa naman sya kilala, baka ganon lang talaga sya tumingin, magtanong o na-curious lang sya sa mga narinig nya kaya naitanong nya iyon.
"See you tommorrow, Dr. San Pablo!"
"Loko ka!" hinampas ko si Kellan sa braso. Sumigaw ba naman malapit sa tainga ko.
"Sorry, ingat ka!" tatawa-tawa nitong sabi hawak ang isang baso ng juice.
"Ipaalam mo nalang ako kay Finlay," tinapik ko sya bago ako lumabas.
Naramdaman kong may nakasunod sa akin. Pagharap ko ay nakita ko si Randall.
"Uuwi kana rin?"
Umiling sya. "'Di pa."
"Ano ginagawa mo rito?"
"Hinahatid ka" hinugot nya ang cellphone nya sa bulsa. Keypad nyang kulay itim. "Malapit na mag-alas otso. Baka wala kang masakyan."
Bakit nya ba ito ginagawa? Para naman akong bata nito. "Papunta na ang driver ko."
Napakamot sya sa likod ng ulo nya. "Ahhh, akala ko mag-aabang ka pa ng tricycle," humalakhak sya. "Sasamahan sana kita at baka matagalan ka."
Madalas kasi alas otso ng gabi ay wala ng tricycle. Mga 7:30 pm ay umuuwi na ang mga driver sa kani-kanila bahay. Siguro dahil na rin sa pagod ng buong araw na pamamasahero kaya sa mga gano'n oras wala na sila sa kalsada.
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Loading
FanfictionANG CRUSH KONG LOADING Halos tayo mahilig mag-internet, araw-araw nakababad sa social media, nag-a-upload ng litrato, nagda-download ng music at video, nakikipagchat at iba pa. Pero paano kung ang taong gusto mo ay dinaig pa ang hina ng signal sa bu...