ACKL 6

107 7 1
                                    

BELLAMY'S POV

Nabato ako sa upuan. May problema sa pag-iisip ang isang ito. Bakit 'di nya maintindihang nahihiya ako?

Pinahiya nya ako.

Siniko ako ni Braylee. "Anong kabalbalan ito Bellamy?" binigyan nya ako ng nakakaasar nyang ngiti.

Sumilip naman si Azareah na nasa likod nya para makita ako. "Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero hayaan na natin si Bellamy."

"Ewan ko sa inyo!" angil ko.

"Asikasuhin mo na ang prinsipe," pahabol ni Bray, sinamaan ko lang sya ng tingin.

Bumalik sila sa mga cellphone nila. Umayos naman ako ng upo at hinanap ang link.

Ito namang mokong ay nagsusulat ng mga tanong sa papel nya. Di ko maintindihan ang ugali nya. Kung kahapon ay gentleman sya ngayon ang tingin ko ay--- ewan! Unidentified species ata 'to.

"Pagpasensyahan mo na," kumbinse ko sa sarili. "Tao lang sya tulad mo, nagkakamali."

Umiling ako saka tinuon ang atensyon sa articl, wala pa akong nasisimulan.

When I start reading, bigla nyang inilapit ang mukha nya sa akin, makasilip din sa screen ng cellphone ko.

Dahan dahan akong lumayo. "Ako muna magbasa tapos ikaw naman."

"Baka kasi maubusan na tayo ng oras?"

Inatake ako ng inis pero 'di ko iyon pinakita sa kanya. Inilapag ko nalang ang phone ko sa armchair at sabay kaming nagbasa. Buti at mata lang din gamit nya sa pagbabasa. Walang ingay.

Amoy ko ang suot nya pabangon, lalo na kapag humangin natatangay ang amoy nito sa mukha ko.

"Tapos kana?"

Dahil sa pagkabigla nang pagsulyap nya sa akin ay mabilis akong napa-oo. At in-scroll nya pataas ang article na binabasa namin.

"Sa wakas tapos na," sambit nya sabay taas ng dalawa nyang kamay at nagbinat.

"May naintindihan ka?"

Umupo sya ng maayos paharap sa akin. Nagkibit balikat sya saka umiling. "Wala."

Kunot ang kilay ko. Bahagya akong nangiti sa eskpresyon sya.

"Ang bobo ko hano? Iyon ata iniisip mo," tumawa sya.

"Wala akong iniisip na gano'n," binalik ko sa pinakaunang paragraph ang article. "Ikaw lan---"

"'Wag kana magpaliwanag, 'di talaga ako magaling sa words."

Ang drama nya para sa isang lalaki. Ayaw nya pala ng words bakit sya nag-HUMSS

"Tumahimik kana, intindihin nalang natin ito."

Inusog nya lalo ang upuan nya sa akin. "Sige, explain mo na," nakangisi nito sabi.

Inutusan pa ako.

Binasa namin ulit ang article, this time by paragraph ang basa namin saka ko papaliwanag sa kanya ang naintindihan ko. Ang tagal nyang makaintindi but once na gets nya na ang thought ng in-explain ko, may dinadagdag syang ideya na pasok sa paksa nang binabasa namin, bagay na nagustuhan ko sa kanya. Mas lalo ko kasi naiintindihan dahil sa mga halimbawa nya.

Si John ang nagpresenta na mangulik ng nga activity namin ngayon.

Nabuhayan naman ng loob si Kellan nang malaman na wala din ang second period namin guro, dumalo rin ito sa meeting.

Lumabas ang iba matapos nilang maipasa ang gawain. Binalik narin ni Randall ang upuan nya sa dating pwesto nito at nagpasalamat sa akin.

Abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. May nagkumpulang grupo ng babae sa kabilang grupo ng upuan kina Madeleine banda. Ang iba pinagdiskitahan ang pisara. May nagbukas ng LED TV at nag-play ng mga clip video. Na agad din naman pinatay dahil masyadong maingay. May ibang nasa cellphone lang ang mukha, nanunuod, nagbabasa ng kung ano, nag-i-scroll up and down sa ano mang social media platform. Iyong walang mga phone ay pinagtuunan ng pansin ang mga librong naka-display sa likuran malapit sa bulletin board. May mga babae na nasa salamin inaayusan ang isa't isa at ang iba ay nanghihinguto, bagay na ikinangiti ko.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now