ACKL 7

96 6 0
                                    

BRAYLEE'S POV

"See you tommorrow," paalam ko kay Bellamy, hindi nya man lang ako nilingon at pumasok na maagad sa kotse.

Bumuntong hininga ako saka hinarap si Azareah. "Wala pa ba ang service mo?"

"Papunta palang. Mauna kana."

"Samahan na kita, mag-iisa ka rito. Oh paubos na iyong mga estudyante," tinuro ko ang ilang naglalakad na estudyante sa loob ng paaralan. "Kaya samahan na kita," ngumiti ako sa kanya.

"No, okay lang talaga ako. Mauna kana, ayaw kong akaabala ng tao," binigyan nya ako ng hilaw na ngiti.

Pinungayan ko sya ng mata. "Sigurado ka?" tumango sya. "Kung 'di kita mapilit sige, mauuna na ako. Ingat ka huh," kinawayan ko sya bago pumasok ng kotse.

"Tara, manong Ben."

Binaybay na namin ang daan pababa ng sa lungsod. Pagdating namin ng national highway ay nakita ko ang mga estudyante naglalakad sa magkabilang side ng lane.

"Power! Public students," natatawa kong sambit habang nakatingin sa mga schoolmates ko.

Parang may isang prosesyon sa dami ng estudyanting naglalakad. Kung naka-uniform lang sila aakalain mong may parada. Busy sila sa pakikipag-usap sa mga kasabay nilang maglakad. May nakita naman akong mga driver na nakasimangot dahil na stuck sa kanto sa dami ng mga estudyanting naglalakad, 'di sila makadaan.

Maliwanag ang mukha ng mga estudyante tila parang nakalabas sa isang kulungan at ngayon lang nasilayan ang labas. Ang iba ay huminto pa sa mga nag-iihaw ng saging sa gilid ng kalsada. Ang iba namang magkakaibigan ay nagkayayaan sa bakery at ang iba naman ay patungo sa dating palingke na ngayon ay naging tindahan ng mga iba't ibang klase ng street foods. Nagutom tuloy ako sa naiisip ko.

Umuga ang upuan nang inilapit ko ang mukha ko sa tinted na bintana ng kotse. Nakita ko si Randall, Finlay at---- Kellan! Na masayang nagkukwentuhan sa daan.

'Di maalis ang atensyon ko sa kanya. Kay Kellan!

Bakit ang gwapo nya? Bakit? Bakit? Bakit!

Sinundan ko pa sya ng tingin.
"Ititigil ko ba ang kotse Ma'am?" Manong Ben.

"Pwede ba?" wala sa sarili kong sabi. "'Wag!" sigaw ko nang ma-realize ang sinabi.

Sa side mirror naman ako tumingin nang lumalayo na ang kotse ko. "Bagalan mo manong," parang maiihi ako sa nakikita ko. Joke lang! Ang pogi nya!

"Po?"

"Diretso lang," sabi ko at sumimangot ng hindi ko na sya makita. Umayos nalang ako ng upo.

Alam ko ang iniisip nyo. Sinungaling ako? Hindi! Hindi ko na talaga sya gusto. Pero noong makita ko ulit sya, ang kalokohan nya, ang mga biro nyang nakakasakit mensan pero nakakatawa. Ang bibig nyang 'di matigil maglabas ng mga salita. Iyong mukhang nyang napakalandi, ang pogi. Nabighani ako!

"Nandito na tayo Ma'am," nabalik ako sa sarili. Nagpasalamat ako kay Manong bago bumaba ng kotse.

Tiningala ko ang dalawang palapag naming bahay saka pumasok ng gate. Sumalubong sa akin ang sementadong daan patungo sa pinto ng bahay. Ang damuhan at mga bulaklak sa paligid ng bakuran. Hindi ganon karangya ang buhay namin. Ang Papa ko ay syang nagma-manage ng isang grocery store namin dito sa lungsod ng Barobo.

Bumungad sa akin ang 'di kalawakang sala, ang kumikinang na tiles gawa ng chandelier, ang kulay abo'ng sofa, gawa sa kahoy na center table at forty inches na flat screen tv. Sa taas naman no'n ay ang family picture namin.

Napangiti ako sa nakatanaw sa malaking litrato. Nakaupo kaming lahat sa kulay krema na sofa, nasa gitna ako. Kandong ko ang kapatid kong si Austin na grade 4 palang ng kunin ang picture na ito, ngayon ay grade 5 na. Sa kanan ko ay si Papa at si Mama.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now