BELLAMY'S POV
Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko na nanggagaling sa bintana. Kinusot ko ang aking mata, umupo sa kama at nag-unat saka dumilat.
"7:45 am na," usal ko sa sarili habang nakatitig sa wallclock.
Inayos ko ang kama ko saka nagsuklay sa harap ng full body mirror. Ngumit ako sa sarili matapos iyon at bumaba.
"Good Morning Manang Isabel at Ate Judith," bati sa kanila habang abala sa paglilinis sa sala.
Huminto si Manang Isabel. "Kakain ka na ba?"
"Oo, ako na maghahain sa sarili ko," umupo muna ako sa sofa at binuksan ang tv. "Kumain na kayo?"
"Oo, kanina sumabay kami sa Mommy mo," ani Ate Judith, nagpupunas ng threshold ng kwarto ni Tommy.
Tumango-tango ako. "Si Tommy?"
"Pinapakain palang ni Manong Thomas," ate Judith.
"Ano pa hinihintay mo kumain kana ro'n," binigyan ko sya ng tingin 'opo'. Pinatay ko ang tv. "Baka dumating na iyong mga kaklase mo 'di ka pa nakaayos."
Speaking of that, dito kami gagawa ng script at magpa-practice para sa gagawing role play sa lunes. Ayokong dumito sila pero wala akong choice, ayaw ko naman pumunta sa baranggay nila kaya nag-alok na akong sa bahay nalang namin.
Kumain na ako at pumanhik sa taas para maligo, nag-ayos narin sa sarili. Suot ko ang white loose shirt at isang kulay itim na short, naka-pony tail naman ang buhok ko.
'Ding dong'
'Ding dong'
'Ding dong'
"Mukhang andyan na sila," sinipat ko ang wallclock. "8:38 palang, ang aga nila."
Hindi ko ini-expect na maaga sila, ang napagkasunduan ay 9 am at 9:30 ang pinakamatagal. Baka nga 10 am pa iyong iba.
Bumaba ako. "Ako na Manang," pigil ko sa kanya nang akmang lalabas na sya ng pinto.
Tumakbo ako palabas. Nagtaka ako nang makita ko si Braylee na nakahawak sa rails ng gate animo'y parang ilang taon ng nakakulong.
Sa pagkakaalam ko ay hindi kami magkagrupo. Bakit sya nandito? Todo ngiti sya nang makita ako. Kinawayan nya pa ako habang sumesinyas na buksan ko ang gate.
Nagulat ako. Hindi sya mag-isa! Oo, may kasama sya. At hindi ko sila kagrupo! Kinunotan ko sya noo. "Anong ginagawa nyo dito?" may diing kwestyon ko sa kanya.
"Papasukin mo muna kami," nainis ako sa ngiti nya. "Hahayaan mo nalang ba kaming nakatayo rito?" inilahad nya pa ang kamay sa mga kaklase namin na kasama nyang nakatayo sa likod.
Sinubukan kong ngumiti ng maganda bagaman sigurado akong awkward iyon tignan. Napipilitan lang e.
Binuksan ko ang gate. Hinayaang makapasok sila.
"Grabe ang laki ng bahay nyo Bellamy huh."
"Iba kapag mayaman! Ang sosyal."
"Pwede bang dito na ako tumira," biro ng pa ng isang kaklase naming si Joan.
Akmang lalagpasan ako ni Braylee nang hatakin ko ang damit nya at hinayaan mauna ang kaklase namin maglakad patungong bahay.
"Ano na naman 'to? Huh?"
"Dito kami gagawa ng script para sa roleplay kay Ms. Dizon," mabilis nitong tugon na akala mo ay planado ang lahat, confident kong sumagot.
"I mean why here? Wala ba kayong bahay? Ang laki ng bahay nyo pwede kayo ro'n," magkasalubong ang kilay ko.
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Loading
FanfictionANG CRUSH KONG LOADING Halos tayo mahilig mag-internet, araw-araw nakababad sa social media, nag-a-upload ng litrato, nagda-download ng music at video, nakikipagchat at iba pa. Pero paano kung ang taong gusto mo ay dinaig pa ang hina ng signal sa bu...