ACKL 10

76 7 0
                                    

BRAYLEE'S POV

Buong hapon akong bad trip kahapon. Ang totoo ay hanggang ngayon. Nanlumo ako sa nalaman ko!

"May nililigawan sya? Bakit 'di ko alam?"

Oo, kailangan kong malaman!

"Grade 10? Jusko Lord! Andito naman ako, bakit lumayo pa sya? Bakit 'di nalang ako ang niligawan nya?"

"Ate, okay ka lang ba?"

Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na napagtantong pumasok pala si Austin ng kwarto ko.

"Maayos lang ako," balisa akong ngumiti.

"Ang ingay mo kasi," kinamot nya ang noo na akala mo'y naabala ko sya ng sobra. "Ang ingay mo po kasi ang dami mong sinasabi, akala ko nagdadasal ka," nasapo ko ang mukha ko sa sinabi nya.

"Nagpa-practice ako para bukas," tatawa-tawang paliwanag ko.

"May kinalaman po sa ligaw?"

"Oo, sa isang subject namin," pagsisinungaling ko.

"Ahhhh," nag-isip ito. "Gusto ko na po agad nakarating ng grade 11 ate, gusto ko matutong mangligaw. Para kapag may gus---"

Tumakbo ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya. "Baka marinig ka ni Papa, ang daldal mo."

"Ano naman masama ro'n, tinalakay nga sa eskwelahan nyo nga ang ligaw-ligaw na 'yan, bakit 'di pwedeng malaman ni Papa?"

Ang isang ito, parang matanda. "Malalagot ako kapag nalaman nya, kaya atin lang 'to!"

Saang school ba naman may nagtuturo ng ligaw? Ewan! Hahahahaha!

"Bakit ka malalagot?"

"Basta 'di pwedeng sabihin," tumayo ako at bumalik sa pag-upo sa kama.

"Ano nga po?"

"Sasabihin ko sayo sa tamang panahon," natawa ako sa sarili kong sinabi, kung anu-ano sinasabi ko sa kapatid ko. "Kaya promise mo wala kang sasabihin kay Papa, baka mapalo ako."

"Opo," sabay takip nito ng bibig nya.

"O, balik na sa kwarto," tumalikod sya at sinara ang pintuan ng kwarto ko nang nakatakip parin ang bibig.

"8:47 pm," basa ko sa relo na nakadikit sa dingding ng silid ko.

Humiga ako. Hinampas ko ang unan ko sa tabi. " Nakakawalang ganang pumasok!"

Think positive Braylee, 'di sya sasagutin ng junior high school na student na iyon! Aayawan sya nun! Isusumpa ko iyan.

"Pero paano 'yon? Sa gwapo ni Kellan, sinong babaeng tatanggi ro'n! Ahhhhhhhh," hinampas-hampas ko ang talampakan ko sa kama. Kakainis talaga, bakit kasi ang gwapo nun. Pumangit sana muna sya sa mukha ng Grade 10 na iyon. Kahit mga tatlong buwan lang para tanggihan nya na si Kellan.

"Pero ang gwapo talaga ni Kellan e, walang tatanggi ro'n," bulyaw ko sa kisame saka inihagis ang unan sa ere na sa mukha ko pa nag-landing!

Bigla akong nakarinig ng katok. Bumangon ako, akala ko ay si Austin na naman.

"Ang ingay mo Ate!" si Austin nga, nasa kabilang kwarto nga lang sya. Kinakatok nya ang dingding malapit sa study table ko. "Gumagawa ako ng takdang aralin."

Hiniga ko ulit ang katawan sa kama at tahimik na nag-aliw-iw.

Kainis talaga!




"PINAGHANDAAN nyo talaga huh, hindi nyo ako binigo sa presentation nyo. Gusto ko tuloy magbigay ulit ng iba pang roleplay," natutuwang komento ni Ms. Dizon.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now