ACKL 3

144 9 0
                                    

BELLAMY'S POV

Wala akong nagawa kundi ang tumahimik. Hinayaan ko syang kargahin ako! At talagang tumatakbo sya. Kahit nakakahiya ay nagawa ko paring mamangha sa lakas nya. Mabigat ako huh.

Tuloy sya sa pagtakbo habang nasa bisig nya ako.

Bahagya kong binaon ang mukha ko malapit sa leeg nya, para 'di ako makita ng mga estudyante. Mga pakialamerong estudyante.

"Napa'no sya?"

"Guys, may na nahimatay!"

"'Di ata nag-agahan 'yan, kaya nawalan ng malay."

"Saan nya dadalhin ang babae? E, andun sa gate ang clinic 'di ba?"

Inipit ko ang labi ko at siniksik pa ang mukha sa leegan nya. Amoy ko na tuloy ang pabango nya.

Napakamausisa ng mga estudyante sa bandang ito. Ang daming sinasabi!

Binabawi ko ng okay lang ako na malayo ang department namin! Ang tagal dumating. At kapag sinuswerte ka nga naman kailangan naming dumaan sa lahat ng room ng grade 10 bago mapunta sa senior high department.

Lumabas pa ang ibang estudyante makita lang kung sino ang karga ng lalaking tumatakbo.

Sobra na 'to!

"W-wait lang," tumigil sya sa may hagdan. Matapos namin malampasan lahat ng silid.

Inilayo ko ang mukha ko sa leegan nya at napatingin sa kanya. Ngayon, ay maayos kong nasilayan ang detalye ng mukha nya. Ang matangos nyang ilong, ang katamtamang kapal ng kilay, ang labi nyang mapula at kulay tan nyang balat.

"May itsura sya," 'di ako makapaniwalang sumagi pa sa isip ko ang kilatisin at puriin ang itsura nya.

Hingal na hingal sya. Dinig ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Kita ko rin ang ilang namumuong butil ng pawis sa patilya nya.

"S-sorry ulit sa n-nangyari. Hindi ko sinasadya."

Bumaling ako sa ibang direksyon, ang lapit nya sa akin. "Okay lang, ibaba mo na ako."

"Andito na tayo, dalhin na kita sa taas. Mahirapan ka pa," nagsimula ulit syang mag-jog. "Responsibilidad kita."

Namangha ako sa huling dalawang salitang binigkas nya.

Nabalik ang atensyon ko sa kanya. Ano daw? Responsibilidad nya ako? Gusto kong tumawa sa sinabi nya pero nanatili lang iyon sa isip ko.

Mga lalaki talaga, ang galing bumanat.

Tinakbo nya ang ikalawang palapag na hagdan.

"Put me down," utos ko sa kanya ng hindi nya pa ako binababa, malapit na kami sa pinto ng classroom namin.

"Doon na sa loob."

"Dito na!"

Parang wala syang narinig at tuloy lang sa paglakad hanggang sa makapasok kami sa likod ng silid.

Naghurimentado ang sistema ko! Hindi nya man lang tinanong kong handa na ba akong pumasok?!

Ahhhhh! Kunin nyo na ako Lord!

"Good Morning Ma'am, sorry na-late kami."

Hinilamos ko nalang ang kanang kamay sa mukha ko. Lahat ng tingin ng estudyante ay nasa amin na. Mga matang mapaghinala.

Salamat sa lalaking 'to!

"I-ibaba mo na sabi ako," madiing naiinis ko nang bulong sa kanya.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now