BELLAMY'S POV
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
'Crush mo ba si Randall?'
"Bellamy!" pumitik si Bray sa harap ng mukha ko, dahilan para mabalik ako sa wisyo.
"Oh?"
"Crush mo ba si Randall?"
Tutok na tutok silang dalawa sa akin. Nakasandal si Reah sa pinto ng isang cubicle habang si Bray ay nakatukod ang kaliwang kamay sa lababo habang ang kabilang kamay ay nasa bewang nya.
"Huh?" wala sa sariling sagot ko.
"May crush ka ba kako kay Randall! Paulit ulit!"
Seryoso nila akong tinignan ni Reah. Naghihintay ng sagot.
"Bakit napipi ka bigla?"
"H-hindi ko crush!"
"Bakit ka nanininghal?"
"Hindi naman," malumanay kong tugon saka binaba ang tingin sa tiles ng lababo.
"Niloko pa ako," tatawa-tawa nyang sabi kaya inangat ko ang tingin sa kanya.
"Hindi nga!"
"Weeeee 'di nga?" mapanukso nitong kwestyon.
"Kung hindi mo sya crush bakit ganon nalang kayo kalapit sa isa't isa?" nakita kung tumango si Reah. "Bakit tuwing humihingi sya ng pabor 'di mo man lang matanggihan at talagang binibigyan mo sya ng oras para ipaliwanag ang hindi nya maintindihan. Nakakahiram din sya ng cellphone mo na 'di ko nga agad mahiram sayo. Hindi lang pinahiram, binigay mo pa sa kanya ang password mo!" 'di makapaniwalang pahayag nya. "Tapos kanina lang ang lakas ng tawa mo habang magkasama kayong dalawa sa table, tanaw na tanaw namin mula sa loob ng canteen," tumango ulit si Reah sa mahabang sinabi ni Bray. "Tapos nang makalapit na kami at kumain, hindi naman nakakatawa mga sinasabi nya pero bakit ang lakas mong tumawa?"
"Talaga ba?" gulat na tanong ko at tinanguan ako ni Reah.
Pwede ko na sya ilagay sa kotse namin, decoration. Hilig nyang tumango-tango at umiling-iling e. Daig nya pa ang mga asong dekorasyon sa tricycle at mga service.
"Oo, nahahalata na kita," nakangising sambit ni Bray.
"Hindi nga kas---"
"Weeeeeeeee?" nakakaasar ang mapanukso nyang mata.
"Wala akong paghanga---"
"Wala nga ba? HAHAHAHA!"
Nasapo ko ang mukha ko. Wala akong laban dito mapipikon ako sa kanya, bago ko madepensahan ang sarili ko.
"Wala nga!" inis kong bulalas.
"E anong tawag mo ro'n sa treatment mo sa kanya? Ama?"
Tumawa si Reah sa huling salitang binanggit ni Bray.
Baliw talaga!
"'Di pa pwedeng napalagay lang ang loob ko sa kanya?"
"Baka naman nawili ka lang sa kanya! Interesado ka sa kanya 'no!?"
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Loading
FanfictionANG CRUSH KONG LOADING Halos tayo mahilig mag-internet, araw-araw nakababad sa social media, nag-a-upload ng litrato, nagda-download ng music at video, nakikipagchat at iba pa. Pero paano kung ang taong gusto mo ay dinaig pa ang hina ng signal sa bu...