ACKL 17

94 5 14
                                    

BELLAMY'S POV

Lilingunin ko na sana ang pinto kung saan nang galing ang pamilyar na boses. Ngunit may naramdaman akong humawak ng siko at braso ko.

Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng dugo ko patungo sa ulo ko at...

Bahagyang napatalon. "AHHHHHHHHHHH!" malakas na tili ko. Humarap ako sa taong may gawa nun. "ANO BA, 'WAG MO A-KONG HAWAKAN!" galit na galit kong bulyaw sabay taboy ng kamay nya.

Gulat sya sa naging tugon ko nang lapatan ng palad nya sa siko at braso ko. Namilog ang mata at nakaawang ang baba nya.

Pero mas ramdam ko ang kumukulo ko ng dugo. Kulang nalang umusok ang ilong at tainga ko!

Biglang nangilid ang luha ko. Ayoko ng sitwasyon na 'to, ayw na ayaw kong ganito. Ayaw ko nitong nangyayari sa loob ng sistema ko.

Matalim at naiinis akong nakatanaw kay Joaquin.

Kita ng magkabilang gilid ng mata ko, na nabato ang mga kaklase ko sa sigaw ko. Alam kong ikinagulat nila ang bulalas ko dahil maski ako ay nagitla nang hindi ko makontrol ang sarili.

"P-pasensya na," takot na paumahin nya at akmang aabutin ang kamay ko pero umatras ako.

Kita ko ang pagkadismaya nya at bumakas ang pag-alala sa ekspresyon ng mukha nya.

Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaliwang siko at ganon din ang kaliwang kamay ko. Parang yakap ko na ang sarili ko sa posisyon ko nang nakatingin parin sa mukha ni Joaquin na nakatayo sa harap ko.

Namutawi ang tensyon sa silid. Walang ni isa sa kanila ang nagbalak magsalita at talagang nanatili lang sa lugar nila. Tanging ingay nalang ng kabilang silid ang maririnig mo.

Ilang segundo pa kaming ganon nang magsalita ulit sya.

"H-hindi ko s-sinasadya. I-inutusan lang a-ako ni John na g-gawin 'yon," nanginginig pang pagdadahilan nya.

Napatiim bagang ako sa narinig ko at agad sinulyapan si John. Balisa sya nang dapuan ko ng tingin pero umayos din 'to, umastang hindi nabigla.

"Bakit mo naman sinunod," pabulong kong singhal sabay palis ng kamay ko sa dulo ng talukap ko kong saan namumuo ang luha ko.

Mas dama ko ngayon ang pag-angat ng emosyon ko. Emosyon na alam kong pwede akong manakit dahil sa  asiwang na nangingibabaw sa katawan ko.

"B-bakit mo sinunod? Tuta ka ba?!" ulit ko ng tanong dahil 'di sya sumagot at gulat sa huling linyang tanong ko sa kaniya.

Pinigilan ko namang hindi sya singhalan ng malakas kahit mainit ang ulo ko.

"S-sabi nya kasi titili ka kapag gi---"

"ANO?" napataas ang boses.

"Bellamy!" tawag ni Braylee ng pangalan ko sa tono na gusto nyang itigil ko na ito. Pero hindi ko iyon pinansin.

Binaliwala ko lang sya dahil nagsalita ulit si Joaquin.

"Kasi s-sabi nya nakakatuwa---"

"At sa tingin mo natuwa AKO!?" sigaw ko ng huling salita sa mukha nya.

Nanginig ang kamay ko sa salitang ginamit nya. Nakakatuwa? Ano ako, payaso! Para kaaliwan nila at aliwin sila!



BRAYLEE'S POV

Ilang beses ko na nakita ang ugaling ito ni Bellamy kapag ginagawa iyon ng lalaki sa kanya. Ayaw nya talaga na hinahawan sya sa parti ng katawan nya, lalong lalo na kapag hindi nya alam.

Ang ayaw ko kapag galit sya ay malakas ang loob nyang maglabas ng masasakit na salita sa taong lumagpas ng limitasyon nya.

Hindi namin narinig lahat ng usapan nila. Doon nalang naging malinaw sa amin na galing kay John kaya ganito ang nangyari. Doon narin namin naramdaman ang nag-aalab na galit ni Bellamy, tila 'di na sya makapagtimpi dahil tumataas ang boses nya. Pero halata naman sinusubukan nyang kontrolin ang sarili.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now