BELLAMY'S POV
"Magkahawig talaga kayo nung Shina," sabi ko kay Braylee habang naghuhugas ng kamay.
Andito kami ngayon sa banyo. Kasama si Azareah na nakasimangot din tulad ni Braylee.
"Anong nangyari sayo?" baling ko kay Azareah.
"Wala," maikli nyang sagot nang nakakunot noong nakatingin sa salamin.
Anong problema ng dalawang ito. "Pipili na ba ako kong sino ang may pinakamagandang simangot sa inyong dalawa?"
Dumapo ang mga atensyon nila sa akin. "Kung malukot mga mukha nyo akala ko kasali kayo sa isang contest na palukutan ng mukha, ang effort!"
Natawa sila at nawala ang masama nilang itsura.
"May mokong lang kasi ro'n sa counter, nainis ako!" Azareah.
"O ikaw?" tinulak ko pa ng mahina si Bray sa balikat. "Anong kwento mo?" tatawa tawa kong tanong. "Pwedeng pang MMK na ba 'yan?"
"Sira! wala, 'no."
"Anong wala?" binalingan ko si Azareah at nagkibit balikan lang sya.
"'Wag nyo na ako pansinin, okay lang ako. Hindi 'to big deal," bahagya pa sya umupo sa lababo ng banyo.
Ako naman at Azareah ay sumandal sa pinto ng cubicle nang naka-cross-arm.
"Wala pero ang lalim ng mga buntong hininga. Panay ka pa bulong, ano iyon naglilitanya?"
"Nagdadasal?" pigil tawa ni Azareah.
"Mga baliw kayo wala nga iyon!"
"Ahhhh!" winisikan nya kami ng tubig kaya napatili kami ni Azareah.
"Sorry," tawa. "Ayaw nyo kasi tumigil!" sabay labas nito, humalakhak lang kami at sinundan na sya sa labas.
"Bakanting oras natin ngayon Azareah 'no?"
"Oo, may isang oras tayo," tumigil sya sa paglakad. "'Wag nyo na nga ako tawagin sa pangalan ko, masyadong mahaba. Reah nalang kundi Areah."
"Hahaha, okay."
Pumasok na kami ng silid. At ang gulo na naman sa loob. As expected kasi walang guro.
"Bellamy, namatay!" tarantang takbo ni Randall sa akin at hinarap ang screen ng cellphone ko sa mukha ko.
"Kakagulat ka naman, lowbat na ba?" binuksan ko at nabuksan naman. Taka ko syang tinignan. "'Di naman lowbat."
"Hindi ko alam password mo e, sige na buksan mo mamatay na ako!"
Natawa ako sa nanlumo nyang itsura. "Ang adik nyo sa laro! Lapit ka," binaling ko sa kanya ang screen ng cellphone ko. "Ito password ko, tandaan mo."
"Hindi mo naman kailangan ibigay sa akin 'yang password mo, pribado---"
"So, tuwing napapatay 'to tatakbo ka sa akin?"
Nag-isip pa sya. "Oo."
Ang bagal talaga nito mag-isip. Para iyon pinag-isipan pa.
"Edi ako ang maiistorbo, bigay ko na sayo. 'Wag mo lang ipagsabi kasi kung ganon ang mangyari. 'Di kana makakahiram ng cellphone ko."
Lito syang nakatitig sa akin. 'Wag nyang sabihin na 'di nya na kuha ang sinabi ko.
"O-okay promise," pigil tawa ako nang itinaas nya pa ang kamay nya.
Natutuwa ako sa ekspresyon ng mukha nya, nagbabago-bago e. Akala mo naman kung ano ang narinig nya galing sa akin.
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Loading
FanfictionANG CRUSH KONG LOADING Halos tayo mahilig mag-internet, araw-araw nakababad sa social media, nag-a-upload ng litrato, nagda-download ng music at video, nakikipagchat at iba pa. Pero paano kung ang taong gusto mo ay dinaig pa ang hina ng signal sa bu...