ACKL 15

74 5 0
                                    

BELLAMY'S POV

Umugong ang katahimikan sa loob ng classroom nong kunin ni Sir ang cellphone ko. Nakakabingi ang katahimikan. Ganon naman ka ingay ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Sabi ko 'di ba bawal ang CELLPHONE!" sigaw na paalala nya nang nakabalik sya sa harap at padabog na nilapag ang cellphone ko sa mesa. "Kuha nyo!" sigaw nya pa kaya napauga ang iba sa upuan nila sa pagkagitla. "Sagot!"

"Opo!!!" sagot nila.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon, lalo na dahil ako ang dahilan nang pagsisinghal nya ngayon.

"Alam mo ba iyon?" nakatanaw nyang tanong sa akin.

"O-opo S-sir," mahina kong tugon at tumungo. Kahit pabulong iyon ay sigurado akong narinig nya dahil sa katahimikang bumalot sa classroom.

"Alam mo pala e anong ginawa Mo!?" mahinahong tanong nya ngunit may diin ang mga salita nya. "Anong pangalan nyan?" tinuro nya ako habang nakatingin sa mga kaklase ko.

Walang sumagot.
Halatang takot ang lahat.
Nagdaan pa ang ilang segundo bago may sumagot.

"B-bellamy San P-pablo po," sya lang naman talaga ang malakas ang loob, si John! Kahit batid kong kabado rin ito.

Sinulyapan ko sya nang bahagyang nakayuko at kitang kita ko kung paano nya ako inirapan. Bakas sa mukha nya, ang naninising tingin.

Ano ba talaga problema nito sa akin!

"Bellamy San Pablo po, Mr. Perez," pag-aayos nya.

Sa katangahan mo Bellamy, ngayon mo pa nalamang Perez itong nasa harap mo!

"Anak ka ni Laura!?" namamanghang kwestyon ni Sir. "Iyong doctor?"

"O-opo," nakatungo kong sagot. At nilaro ang mga daliri kong medyo mamasa-masa sa sobrang kaba.

Mukhang magkakilala pa sila ni Mommy! Lagot ako nito kapag nalaman nun ang ginawa ko.

Nagpakawala sya ng mahinang tawa. "Akalain mo nga naman, kaibigan ko pa ang Mommy mo," napatingin ako sa kanya. "Ano nalang sasabihin nya kapag nalaman nya itong ginawa mo?"

"'W-wag naman, Sir. 'Di ko sinasadya. S-sorry po, 'di na m-mauulit," kabadong pagmamakaawa at pakiusap ko sa kanya.

Humugot sya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Ang pinakaayaw ko lahat ay sinusuway ako! Kaya itatak mo--- nyo dyan sa nga kukote nyo na kapag ako ang nandito sa harap. BA-WAL ANG CELL-PHONE! Maliban nalang kong sinabi ko na gamitin nyo para sa klase ko! Naiindihan nyo?"

"Yes Sir!!!" ang klase.

"Naintindihan mo?" nakatingin sakin.

"O-opo!" utal kong sagot habang mabagal na tumungo.

"The next time na makita kita--- ko kayong gumagamit ng bagay na ipinagbabawal ko ay ako mismo ang kakaladkad sa inyo papuntang guidance counsilor!"

Tuluyan kong ibinaba ang paningin. Nangangatal ang kamay ko sa kaba.

Umiiling na binalik nya ang paningin nya sa textbook na nasa harap nya't panay pa itong bumubuntong hininga.

Ang takaw mo ata ng hiya ngayon Bellamy!

Bumalik si Sir sa diskusyon habang ako ay nakatingin parin sa sahig.

Ilang minuto rin akong ganon nang maalala ko ang nangyari!

Napaupo ako ng tuwid, animo'y alertong sundalo.

Bwisit! Ang litrato ni Randall, nasa timeline ko pa!

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now