ACKL 13

74 5 1
                                    

BELLAMY'S POV

"At ito na nga ang hinihintay natin ang magiging muse at prince charming natin sa pasukang ito," masiglang panimula ni John. "Aware ba kayo sa purpose ng position na ito?" sabay turo nya sa pisara.

'Ohhh sila iyong nga representative natin---'

'Sila iyong isisalang sa beauty at
brain competitions'

'Role model ng classroom, na dapat tularan!'

Umingay ang silid dahil sa mga sagot ng klase.

"Tama kayo, ang purpose nitong huling dalawang position ay para e represent ang section natin lalo na kung may patimbalak gaya ng beauty and
brain competitions. Role model din dapat sila. Sila iyong dapat manguna na ugaliing magsuot ng uniform at may maayos na postura," ginala nyang tingin sa mga kaklase naming lalaki. "Bukas na ang nominasyon, sino ang gusto nyong maging prince charming girls!?"

'Jimmy e papalagay lagay kita!'

'Subukan mo! Mayayari ka sakin. Maya ko na ako ipalagay kapag sa muse na!"

'HAHAHAHA 'wag na nga lang!"

Natawa kaming nakarinig sa usapan ng katabi nasa sa harap namin. Nagtaasan naman ang kamay ng mga babaeng interesadong mag-nominate.

"Guys, minimize your voice," sita ni John, medyo maingay na. "Sige ikaw girl, tayo."

"I nominate Ethan Bali for Prince Charming!" sabay upo.

"Hoy! 'Wag," natatawang pigil pa ni Ethan kay Azareah sa pagsulat ng pangalan nito sa board. Pero halata sa sigla nya na gusto nya rin ang posisyon na iyon.

"I nominate Joaquin Bagguhan."

Hiyawan ang babae, may itsura rin kasi itong si Joaquin. Isa rin sya sa hindi masyadong malokong lalaki sa lahat ng lalaki rito. Ngingiti ngiti lang sya at 'di na umapila.

"I nominate Randall Castillo for Prince Charmi---"

"AYOKO!"

Halos mapabalikwas kaming lahat sa kinauupuan namin sa sobrang lakas ng sigaw nya.

"Mr. Castillo, 'wag kang s-sumigaw," sita ni Miss Sandoval na nagpipigil tumawa sa naging reaksyon ni Randall.

Bukod kay John at Azareah na nakatayo sa harap ay nakatayo narin ito sa likuran. Para syang nasa isang hukom.

"Paano ako 'di sisigaw, anong kalokohan yan! Ayaw kong mapasali dyan!" reklamo nito nang nakaharap sa adviser namin.

"Sa tingin mo kalokohan ito Mr. Castillo?"

'Di agad nya nakasagot. Bumuntong hininga muna sya bago magsalita.

"H-hindi po," napakamot sya sa ulo. "Ayaw ko lang mapasali dyan."

"Mas maganda nga iyang mapasali ka. Tingin ko ay responsable ka naman kaya pwede ka dyan," sabay turo nito sa pisara.

"Responsable po ako pero ayaw kong m-maging--- ano iyon... Presentative ng klase natin! Lalo na kung isasalang sa pagient na sinabi ni John kanina," pinihit nya ang ulo nya sa amin patalikod kay Miss.

Doon ko lang nakita ang sama ng mukha nya. Nakakunot ang noo, salubong ang kilay at talagang nakasimangot ito. Bakas dun ang inis na na-nominate sya.

"Pagbobotuhan pa naman 'di pa siguradong ikaw ang mananalo."

"Assuming nga Miss e, akala mo sya na panalo," pang-aasar ni Ethan.

Nakita ko kung paano  sinamaan ng tingin ni Randall si Ethan na 'di rin napansin ang ginawa nya.

Ang Crush Kong LoadingWhere stories live. Discover now