Peerida Choi's P.O.V.
Tumunog na sa wakas ang alarm.
Tapos na ang breaktime, maya-maya pa'y sinundan ng anunsiyo ang pag-tunong ng school alarm at tungkol lang naman iyon sa mangyayaring exam. Bumuntong hininga ako bago nagpasalamat kay Andrey sa panlilibre sa 'kin ng lunch.
Sabay naman kaming naglakad papunta ng covered court dahil doon nga mangyayari ang exam.
I just can't help but to roam my eyes around the school. Wondering if Sid's around? Hindi ko alam ang nararamdaman ko e, parang wala ako sa mood. Dahil ba yun sa napag-usapan namin ni Andrey kani-kanina lang? Ugh, ewan.
Hindi ko lang talaga inaasahan na gan'to pala ang pakiramdam kapag hinahalungkat mo 'yong isang bagay at kapag hindi mo makuha, biglang maiinis ka nalang. Hayst, ngayon ko lang ata na-realize na masyado akong pikon.
Gusto ko lang naman na malaman na ang nasa likod ng tinatawag nilang 'The Hidden Class' na 'yan para matapos na ang lahat. Hindi ko na kasi alam kung anong unang gagawin ko. Medyo feel ko na yung paghapdi ng utak ko.
"Hoy," nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ang pag-siko ni Andrey sa 'kin kaya nilingon ko siya. "Ayos ka lang?" tanong niya. Nag-iwas naman ako ng tingin bago alanganin na tumango.
"O-oo. Siguro kailangan na nating dumiretso sa covered court para hindi tayo ma-late?" sabi ko nalang. Agad naman siyang tumango.
"Yeah, kunin ko lang yung bag ko sa classroom. Sama ka na rin?"
Tumango lang ako bago sumunod sa kaniya sa paglalakad.
Nauuna siyang maglakad kaysa sa 'kin kaya malaya ko siyang pinagmasdan mula sa likuran.
I wonder... May tinatago din kayang sekreto si Andrey?
"Get one and pass."
Anunsiyo ng proctor. Nasa covered na kaming lahat ngayon, hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito e kung tutuusin, wala naman akong balak na seryosohin ang exam na 'to. Wala talaga akong balak na lumipat ng ibang section.
Tamad kong inabot ang test paper sa harap ko, kumuha ako ng isa at ipinasa ito sa estudyanteng nasa likod ko nakaupo.
I glanced at the paper in front of me. Bumuntong hininga ako bago nasapo ang noo. Hayst, ewan. Hindi pa naman ako ganun ka-tagal na nandidito sa school na 'to pero humahapdi na ang utak ko.
Hayst, kaya mo yan Peer. Para kay Pia, kaya mo yan.
Marahan akong pumikit at nagdilat ng mata. Kinuha ko na ang ballpen mula sa bag at nagsimulang magsagot ng test paper. Bahala na, wala naman akong balak na seryosohin 'tong exam na 'to.
Buong exam ay tahimik. Tanging pag-tunog lang ng tumatakbong orasan ang naririnig ko. Gosh, ba't parang tense na tense ang mga tao sa paligid ko? Ganun ba nila sineseryoso itong exam na 'to? Sabagay, importante naman talaga 'tong exam na 'to pero 'di ko ineexpect na ganito sila ka-seryoso!
Naipilig ko nalang ang ulo bago pinagtuunan ulit ng atensyon ang test paper ko.
Binasa ko ng buo ang test paper. Okay, medyo mahirap pero ayos lang, sa abot ng makakaya ko ay sinagutan ko na ang unang subject which is ang English. Hindi naman importante sa 'kin ang magiging score ko sa exam na 'to.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...