Atheia Villacita's P.O.V.
"Ano ba?! Tigilan niyo na 'ko sabi! Wala kayong mapapala sa 'kin! Ilang beses ko bang uulitin yun?!"
Hindi ko na inintay pa na sumagot ang kausap ko sa mula kabilang linya. Mabilis kong pinatay ang phone at pinasok iyon sa bulsa ng uniporme ko.
"Argh!" napasigaw ako dahil sa inis at napasabunot sa sariling buhok. Paulit-ulit kong sinipa ang mga bagay na pwede kong masipa sa loob ng banyo. Nang mapagod ay napaupo nalang ako habang patuloy na umiiyak.
Hindi ko alam... Hindi ko alam na ganito kahirap manatili sa impyernong 'to. Ang akala ko, madali lang. Hindi pala...
Napahagulhol ako at napatakip ng mukha. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, pakiramdam ko'y mababaliw na 'ko nang tuluyan. Kung alam ko lang simula't-simula pa, hindi nalang sana ako pumasok sa gulong 'to. Ang hirap, ang lungkot. Nakakabaliw.
I stayed there, wasting my time. Wala na 'kong pakealam kung hindi man ako makapasok sa susunod na subject, punyetang pag-aaral yan.
Sabi nila, edukasyon ang pinakamahalaga sa mundo. Kung hindi ka edukado, bobo ka. Kung hindi ka edukado, wala kang kwenta. Pero para sa 'kin? Walang kwenta ang edukasyon na 'yan.
Hindi nila maiintindihan... Hindi nila alam ang pakiramdam ng ng makulong sa isang impyerno. Araw-araw akong naghihirap, araw-araw akong napapaisip kung hanggang kailan ako mabubuhay ng ganito, o kung magtatagal pa ba 'ko.
I was known as a princess, ang alam ng lahat, masaya ako. Ang alam nila, ayos lang ako. Pero hindi. Wala silang alam.
Nanatili ako sa ganung posisyon habang sumisinghot at patuloy sa pag-agos ang luha ko. Hindi ko na alam kung anong oras na ba, kung gaano na 'ko katagal na nasa ganung posisyon.
Napa-angat ako ng tingin nang may narinig akong nagsalita sa harap ko.
I saw his face. He's offering a handkerchief. Napatitig ako sa panyo, hindi alam ang susunod na gagawin. Pero sa huli ay tinanggap ko rin yun at mabilis na pinunasan ang buong mukha ko.
I didn't speak, nagpatuloy lang ako sa pagpupunas sa mukha ko.
"I warned you, didn't I?" he finally spoke. Hindi ko siya sinagot. Alam kong naaawa siya sa sitwasyon ko, pero wala naman na siyang magagawa. Nangyari na lahat, nangyari na ang dapat na mangyari.
I heard him laughed smoothly.
"Ang tigas din naman kasi ng ulo mo. Tanggapin mo nalang kasi, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ka. You should learn how to accept your mistakes sometimes." ang sabi niya. Hindi ulit ako umimik. Mukhang wala namang mangyayari kung igigiit ko pa ang sarili ko, tama naman kasi siya. Ang tanga ko talaga kahit kailan.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, tahimik lang akong napayuko at nakatingin sa kawalan. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? Hindi pwedeng manatili ako ng ganito. Binuhay ako ng maayos nang mga magulang ko, hindi ko hahayaang matatalo ako nang ganito.
Hindi ko hahayaang talunin nila 'ko nang ganito.
Kasalanan niya 'to. Siya ang may pakana ng lahat ng paghihirap ko.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Misterio / SuspensoLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...