Peerida Choi's P.O.V.
Hindi na 'ko nagulat pa nang laman kami ng balita sa buong campus. Gosh! I don't think na may mukha pa 'kong maihaharap! Kahit saang sulok ata ng campus ako tumingin, nandoon ang mga iilang posters tungkol sa nangyari noong friday night! Urgh.
Makapal na kung makapal, pero nagpasama ako sa dorm mate kong si Cath para ihatid ako sa classroom ko dahil tila hindi ko talaga makakayanan ang mga titig ng ibang tao sa 'kin!
At first, maiintindihan ko naman kung ayaw niya 'kong samahan, kasi nga baka takot din siyang madamay pero I'm amazed how kind she is dahil napapayag ko siya. Sabi niya, okay lang naman daw dahil kung siya din naman daw ang nasa posisyon ko, magpapasama din naman daw siya.
Kaya naglalakad na kami sa malawak na quadrangle at hindi ko man lang kayang i-angat ang tingin ko. Kahit anong paalala ko sa sarili na ayos na ang lahat, hindi ko pa rin kayang i-absorb lahat ng mga nangyari.
Na-abduct ako.
Muntikan na 'kong mamatay.
Pero kung may silver lining man sa nangyari sa 'kin noong gabing biyernes, yun ay may naging bagong kaibigan ako. Si Sid! I want to call him Simone, but he refused dahil masyado daw iyong pang-matanda.
Nakatanggap din ako ng samu't-saring text messages at tawag mula kay Andrey, daig niya pa yata ang Mama ko. And speaking of Mama, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang nangyari sa 'kin at wala akong balak na sabihin yun. Dahil for sure, gaya ni Litteo ay paaalisin niya rin ako rito at hindi niya na 'ko papayagang ituloy ang misyon ko.
Nagpatuloy kami lang kami sa paglalakad ng dorm mate ko. Gusto ko lang talagang makapunta na sa classroom ko para maiwasan na ang mga taong nakiki-chismis tungkol sa 'kin. Ewan ko ba, hindi talaga ako komportable sa atensyon.
"Siya yun, 'di ba? Yung babaeng sakop ang daily news sa Sunbae dahil sa nangyari noong friday?"
"Yup, siya nga. And if I'm not mistaken, kasama niya iyong gwapong classmate niya na Litteo Kwon ata ang pangalan."
"Gosh! Finally naman, nasali na sa daily news ang isa sa mga taga Class 4-C! Buong highschool life ko rito, hindi ko pa ata naririnig na may issue ang Class 4-C! Napaka-secretive kaya nila masyado!"
"Oo nga, 'no?"
"Yas! I agree!"
Napa-pikit nalang ako sa mga narinig ko. May iba pa na kulang nalang e lapitan at suriin ako. Aish! Ang chichismosa ng mga tao rito! Bakit hindi nalang kaya sila mag-aral ng mabuti?! Hindi 'yong nangingialam ng iba! Tsk.
Naramdaman ko ang pag-tapik ni Cath sa kaliwang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya, nginitian niya 'ko.
"It's okay, h'wag mo nalang silang pansinin. Huhupa rin ang isyu na yan, trust me." sabi niya, napangiti naman ako. I trusted her words. Sana nga ay madali lang na humupa ang isyu na 'to, ayoko talaga ng atensyon. Please lang naman.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa building ng Grade 10 nang hindi pinapansin ang mga tao sa paligid namin. At nang tuluyan na kaming makarating sa classroom ko, pinasalamat ko agad si Cath. Sabi niya'y okay lang daw. Hindi na rin siya nagtagal dahil papasok pa siya.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Tajemnica / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...