CHAPTER 3.2

41 8 37
                                    

Peerida Choi's P.O.V.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Basta, malayo lang sa cold guy na yun. Nakakainis siya. Sobra. Kung makapagsalita 'kala mo kung sino. Tch.

Pero may parte sa'kin na nakokonsensya. Gusto niya palang pumunta ng Amsterdam para hanapin ang mama niya? Gaano na kaya siya katagal na naging ulila? Aish, basta nakakainis siya.

Since tapos naman na 'kong nag-meryenda dahil nilibre ako ni cold guy, dumiretso nalang ako sa sa building ng Grade 10 para dumiretso narin sa classroom.

Dumaan ako sa likod ng cafeteria para mas madali akong makaabot sa building ng Grade 10. Shortcut kumbaga. Habang naglalakad, nadaanan ko ang abandonadong music room. Tumigil muna ako saglit at pinagmasdan ang bandang likod ng abandonadong music room.

Naalala ko tuloy ang una naming pag-uusap ng cold guy na yun. Tss. Hanggang ngayon 'di ko parin maintindihan kung bakit gusto niya 'kong tutulan sa pinaplano ko. Ah, tama nga pala. Ayaw niyang maunahan ko siya sa pag-solve ng kasong 'to kasi nga gusto niyang manalo. Gusto niyang makapunta ng Amsterdam.

Pero ang tanong, hahayaan ko ba siyang gawin ang gusto niya? Of course not! This is a serious case! Hindi ko 'to ginagawa basta-basta lang 'no.

Pero parang.. edi parang sinasabi ko narin na ayaw kong makapunta siya ng Amsterdam? Parang sinasabi ko narin na ayaw kong makilala ang mama niya?

Argh! Nakakakonsensiya naman ouh!

Aish, bahala na nga. Basta hindi niya 'ko mapapaalis kung ayaw ko. Tatapusin ko 'to dahil ito naman talaga ang sadya ko rito.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad at aalis na nang may marinig akong kung ano sa loob ng music room.. kung hindi ako nagkakamali?

Napatingin ulit ako sa music room. Nag-eecho pa nga yung tunog mula doon.

Actually, medyo creepy. Akala ko ba abandonado na yung music room? Bakit may nagpa-play pa ng music dun?

Lumapit ako ng konti sa music room at habang papalapit ako nang papalapit, mas lalong lumalakas yung tunog. Napagtanto ko na may nagpapatugtog pala ng piano.

Lumapit pa 'ko hanggang sa maalikabok na bintana. Naririnig ko na ang tono ng piano. Ito pala yung music na sobrang creepy na ginagawang background music sa mga horror movies. Kinikilabutan na 'ko pero inilapit ko pa yung mukha ko sa maalikabok na bintana para silipin kung sino ang nagpa-play ng piano. Creepy yung sound pero maganda namang pakinggan kasi ang galling niyang mag-piano.

I wiped out the dust on the window using my hand. Nang malinaw na ang bintana, sinilip ko kung sino ang nagpa-piano.

He's a boy and.. he's familiar!

With his spectacles and on his hairstyle, I can now clearly see who he is.

Andrey?

Simone Llemenez's P.O.V.

I'm from Class 3-B that's why I'm here.

That's why I'm here in the sobrang maduming comfort room deputa.

Aish! Bat ba ang unfair ng buhay? Bakit ba hindi nalang pwedeng pantay-pantay nalang lahat?

I just find it unfair!

I'm just a transferee here. I'm from that freaking bullshit university na sobrang boring. Sa sobrang boring, mamamatay na ata ako dahil wala akong mapagtripan. That's why I ended up here. Though, hindi naman gaano ka-boring dito dahil marami akong pwedeng mapag-tripan, ang dudumi naman ng mga comfort room ng lower classes!

The Hidden Class (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon