CHAPTER 6

27 7 39
                                    

Peerida Choi's P.O.V.

"Anong sinasabi ng T-shirt 'pag galit?"

"Ha? Meganon?"

"Ano?"

"Edi 'dammit'! HAHAHAH!"

Tawanan ang pumuno sa classroom class 4-C. Nagbibiruan na naman kasi sina Josh, Bryan at Kyle-ang tatlong clown ng Class 4-C. Aish, ang iingay nila! Wala namang kakwenta-kwenta yung mga pinagsasabi nila, hindi ko alam kung anong nakakatawa.

Inis na kinuha ko ang airpods sa bag at mabilis na isinalampak iyon sa tenga ko.

It's just amazing how time fly so fast. Friday na, apat na araw narin pala ang nakararaan magmula nung lumipat ako rito. And I must say that.. Well, normal naman silang lahat-o kung normal ba talaga silang matatawag.

I mean, yes. Normal na estudyante lang din naman sila, gaya nung iba. Hinihintay na lumipas iyong oras, nagkukulitan, nag-aasaran at nagtatawanan. Sa tingin ko, parang wala namang mali.. Malayo sa mga naririnig ko mula sa iba. Ang alam ko, nakakatakot silang lahat. Masyado daw silang maraming tinatagong sekreto.

"Hindi mo alam kung anong klaseng impyerno ang pinasok mo."

Alam ko, alam ko kung anong klaseng impryerno ang mundong pinasok ko. Hindi naman ako ganun katanga para hindi malaman yun. Ang hindi ko lang maintindihan, anong nakakatakot sa section na 'to? Seryoso, wala akong kaide-ideya talaga. 'Pag inoobserbahan ko naman sila, wala talagang mali. As in wala, kagaya lang din sila ng ibang tipikal na mga estudyante.

Kung titingnan mo rin sila at pagbabasehan iyong nangyaring three years ago, aakalain mong biktima lang din sila sa nangyaring krimen three years ago.

Napabuntong-hininga ako. Siguro nga, yun ang mas nakakatakot. Ang hindi mo alam kung anong nangyayari sa paligid mo. Mas nakakatakot yung wala kang kaalam-alam sa mga tao sa paligid mo dahil hindi mo alam kung sinu-sino sa kanila ang tunay mong kaaway. Nakakatakot iyong ideya na wala kang alam sa tumatakbo sa isip nila, parang bawat segundo ng pagkilos mo ay kailangan mong bantayan.

Yung friendship naman namin ni Andrey, ayos lang din. In fact, siya ang pinasagot ko sa mga assignments ko. Friday kasi ang pasahan pero niisang assignment ay wala akong nagawa. Napapayag ko naman siya dahil sa pangongonsensya ko, ang rupok din niya kaya nauto ko.

I just sat there peacefully. I drummed my fingers habang hinihintay na lumipas ang oras at pagmasdan ang magulo na naman naming classroom. Ang bagal talaga ng oras 'pag ang boring ng atmosphere.

Sa apat na araw na pananatili ko rito, isa lang ang napansin ko. Yung school system. Una sa lahat, nakakalito at nakaka-unfair ang sistema ng school na 'to. 'Di ko maintindihan talaga.

Napahawak ako sa badge na nasa kaliwang dibdib ko. Ito ang unang pinagtataka ko. Bakit required na may badge? Okay, I get it. Kailangang magsuot nito para ma-identify kung saang class ka nanggaling. Naaalala ko parin naman yung sinabi sa 'kin ng dorm mate kong si Cath. Pero bakit nga? Bakit kailangan pa yun? Bakit kailangan pa kaming i-classify? Para i-separate yung mga matatalino sa hindi? Okay, parang may point naman yun. Pero basta, parang may mali.

Saka yung treatment. 'Di ko gets din. Alam ko namang may mga tao talagang mas magaling sa'yo at mas matalino sa'yo. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit iba ang trato ng higher class sa mga lower? At heto pa, kung iba ang trato nila sa mga lower class, mas lalong ibang-iba naman ang trato nila sa Class 4-C!

The Hidden Class (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon