Peerida Choi's P.O.V.
"She's been poisoned." wika ni Andrey.
Nasa tabi niya ako at wala man lang akong ibang magawa kundi ang panoorin kung gaano siya kagaling sa pag-iimbestiga. I'm just like.. Wow, ang galing niya. Sobra.
Hindi ko na namamalayan kung ga'no na 'ko katagal nakatunganga sa harap ng babaeng walang buhay na. Aside din sa pagkakamangha kay Andrey, natutulala din ako sa bangkay na nakikita ko ngayon.
Hindi parin ako makapaniwala, may patay na 'kong na-encounter sa loob lang ng first day of school! Nakakapanindig talaga ng balahibo! Hindi pa nga natatapos itong araw na 'to pero kinikilabutan na 'ko!
Kita ko kung pa'no kumunot ang noo ng lalaki. At mas lalong nahahalata sa kaniyang mukha ang pagiging curious. Syempre, kapatid niya ang pinaguusapan.
"Poisoned?" tumango naman si Andrey. "Pero sino naman ang gagawa sa kaniya ng bagay na yun?"
Napahawak ako sa baba ko. Tama, sino nga ba ang pwedeng gumawa ng karumadldumal na pangyayaring 'to? Classmates niya kaya? Pero kung titingnan naman, masyado siyang inosente. Hindi mo mapagkakamalang may violent siyang ginawa.
"Yan ang gagawin namin ngayon. Ang mag-imbestiga kung sino ang pumatay sa kaniya. Kung sino ang suspek." tugon ni Andrey.
Pinalibot ko ang tingin sa laboratory. Hindi parin dumadating ang mga pulis, kaya muli itong tinawagan nung lalaki na Gremon pala ang pangalan. Gremon Manalo.
Hindi ko na pinakinggan kung ano ang sinabi niya sa mga autoridad, busy ako sa pagsusuri kung anong meron sa loob ng laboratoryo. Syempre, may mga experimental equipments. Mga sari-saring mga syrup, machine at kung anu-ano pa na hindi naman ako maka-relate dahil wala akong alam sa mga yun.
Napahawak ako sa baba ko habang nililibot ang tingin. She's been poisoned. Iyon ang sabi ni Andrey kaya yun ang dahilan ng pagkamatay nung babae. So malamang may lason dito? That's not impossible dahil nga science lab 'to, maaaring may mag-experiment na ganung klaseng gamot.
Dumako ang tingin ko sa apat na estudyanteng nakatayo at tahimik na nakamasid sa bangkay sa harap nila. Tatlong babae at isang lalaki. Tinitigan ko sila nang maiigi.
Walang duda, isa sa kanila ang pumatay, isa sa kanila ang suspek. Posible iyon. Pero sino naman kaya sa kanila?
Nilapitan ko ang tatlong estudyante. Hindi parin maialis ang tingin nila doon sa bangkay. Nagkrus ako ng braso habang tinitingnan sila.
Pansin ko, yung isang babaeng maikli ang buhok na hanggang leeg, maluha-luhang tinititigan ang bangkay, nanginginig din ang mga kamay niya. Nihindi niya man lang pinagtuunan ng pansin ang paglapit ko.
Yung isang babae namang medyo may pagka-grayish iyong buhok, halatang hindi siya mapakali. May hawak din siyang text book at panay ang tingin doon at may isinusulat siyang kung ano.
Samantalang yung katabi niya pang isang babae na tomboy ata dahil sa pustora niya, hindi rin mapakali. Panay ang kamot niya sa ulo at pabalik-balik sa paglalakad.
I looked at their badges. Silver. Malamang ay galing sila sa Class 2.
Pinagtuunan ko naman ng pansin ang lalaking kulay brown ang buhok at nakasuot ng round glasses. May pagkamoreno siya at nakatulala lang sa bangkay na nasa harap niya. He looked pale.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...