The elevator slide opened and it led us on the third floor of the building. Again, mas naunang naglakad ang kasama ko bitbit ang isa kong maleta. Habang naglalakad sa corridor ay nilibot ko ang paningin ko. Tahimik lang ang corridor at tanging paglalakad lang namin ang naririnig ko.
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang kasama ko kaya nagpatuloy lang din ako sa pagsunod sa kaniya. Each floor has twenty rooms. Magkaharap ang sampung kwarto. Bale, sa left ay sampu at ganun rin sa right, pinagigitnaan ang medyo mahabang corridor.
We stopped at the 8th room in the left side. Kinuha ng kasama ko ang susi mula sa kaniyang bulsa at ipinasok ito sa keyhole. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya yun. I still don't know her name. Pero mukhang friendly naman siya, I want to be a friend of her. But not that close. Kung maaari'y wala dapat akong pinagkakatiwalaan sa school na'to. I don't know each of them. Kailangan ko lang siyang pakisamahan ng konti dahil dorm mate ko siya. Yun lang.
Nang mabuksan ang pinto'y dumiretso siya paloob bitbit ang maleta ko. Akmang dadalhin niya rin ang isa ko pang maleta pero tumanggi ako.
"Ako na." Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang hayaan akong ipasok ang maleta ko.
Pinalibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng room. Dalawang kama, dalawang lamp shade, dalawang study table pero iisa lang ang dining table. Saktong laki lang na lababo, isang CR, dalawang aparador at isang gas stove. Kulay peach pastel ang kwarto namin. Not bad.
"Ito ang magiging bed mo at yung study table at aparador na bakante ang sa'yo. The rest are mine." Sabi niya. Tumango nalang ako at pinuntahan ang magiging kama ko. Pareho naman kaming may foam. Wala pa nga lang bed sheet yung akin. Good thing I brought one. Nilagyan ko na nga ng bed sheet yung akin bago ko ilabas ang mga gamit ko.
"By the way, my name is Cathy. Just call me Cath." Aniya. Nilingon ko siya saka nginitian.
"Peerida Choi. You can call me Peer."
Tumango lang din siya sa sinabi ko. May kinuha siya mula sa kaniyang bulsa at binigay ito sa'kin.
"Syempre kailangan mo ng susi." Wika niya. "Magbibihis na 'ko at mauunang umalis. Alam mo na ba kung saan ang classroom mo?"
Pinakita ko sa kaniya ang phone ko.
"I have a map." Sabi ko.
"Okay."
Pumasok na siya ng CR at ilang minuto lang ay lumabas na siyang nakabihis na. I am amazed by the uniform. Long sleeve na white blouse na hanggang siko lang ang haba at two inches above the knee na skirt. Napadako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng dibdib niya. There's a... badge?
"And oh. Wag mong kalilimutang isuot ang badge mo. Nasa aparador mo yun." Aniya na tila ba nabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Tumango at pinagmasdan ang badge niya. Hindi naman yun masyadong malaki o maliit pero nakakaagaw ng pansin. Kulay bronze ito at hindi ko maintindihan ang nakaukit.
"Look, lahat ng mga estudyante ng Sunbae Academy ay may badges. Nakadepende iyon kung saang section ka. Kung taga Class 1 ka, kulay gold ang badge mo, kung taga Class 2 ka naman, kulay silver at ang mga lower section gaya ng Class 3 at 4 ay kulay bronze. You have to wear it in order to identify you kung taga saang section ka." Paliwang niya. Dahan-dahan akong napa-tango.
"So mauuna na 'ko." Naglakad na siya papunta sa pinuan ngunit bago pa man siya lumabas ay nilingon niya muna ako. "At mag-ingat ka." Ngumiti siya ng mapait. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero parang may bakas ng kalungkutan ang mga mata niya. Sinara na niya ng tuluyan ang pinto kaya naiwan akong mag-isa. Nanatili akong nakatitig sa pintuang nilabasan ni Cathy.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...