CHAPTER 2

49 8 103
                                    

Peerida Choi's P.O.V.

Sa ilang minuto kong pag-upo dito sa bandang likuran, hindi ako masyadong komportable. Alam niyo yung feeling na parang tinutusok kayo ng tingin mula sa likuran? Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Ngayong nasa likuran ako, kitang-kita ko ang mga kaklase ko. Ang gulo-gulo nila. Ang ingay. May nag-tatawanan, nagkakantahan at nagbabatuhan ng papel. High School students ba talaga 'tong mga 'to? Bat parang daig pa ng mga kinder? Tss.

Pinagmasdan ko silang mabuti.

Napatingin ako sa harapan kung saan naroon ang grupo nina Rhea. Ang titinis ng mga boses nila. Ang landi pa tumawa.

Rhea Cruz- 16 years old, the bully, the feeling queen bee at trainee ng SG entertainment. Simula pa nung Grade 7 siya ay nasa Class 4-C na siya. Boplaks kasi. Mayaman, maganda at maarte pero yun nga, boplaks. Tsk.

Kim Miya Jones- 17 years old, bestfriend ni Rhea. Hindi naman daw talaga siya bully dati not until n'ong bumagsak siya ng Class 4-C at naging kaibigan si Rhea. Bad influence daw kasi ang hipokrita. Hindi sigurado ang iba kung talaga bang kaibigan ang treatment sa kaniya ni Rhea o alipores. May bali-balita ring may kulo sa loob itong si Kim Miya kay Rhea. Luh.

Dhanna- 16 years old, kaibigan/alipores ni Rhea. Ah basta ang gulo ng profile ng isang 'to. Sabi kasi ng iba, kaibigan daw talaga niya si Rhea. Pero poor kid si ate ghorl samantalang itong si Rhea rich kid at feeling queen bee pa. Kaya ayun, di sila nakakasigurado kung talaga bang kaibigan 'to ni Rhea o isa sa mga alipores niya.

Kit & Kat- eto alipores talaga 'to ni Rhea. Gumawa pa nga ng fan club ang mga gaga para sa 'queen bee' kuno nila. Todo support sa 'queen bee' nila kala mo naman may makukuhang piso. Tsk.

Reymark Lee- boybestfriend ni Kim MIya. May issue daw dati between them na nangyari kuno sa roof top. Nag-confess daw ng feelings itong si Miya pero the feeling is not mutual daw. Ayun, napahiya si ate ghorl. Na-depress at bumagsak ang mga grades. Ayun, bumagsak ng Class 4-C. Gwapo rin naman kasi 'tong si Reymark. Mayaman din. Mabait rin kaya siguro na-inlove 'tong si Miya.

Dave Kuizon- kalandian ni Rhea. Wala silang label pero may feelings naman daw si Dave kay Rhea. Kaso parang tini-take advantage lang daw yun ni Rhea. Aba problema niya na yan. Labas na 'ko jan noh.

"So yeah, later pupunta kami ng starbucks. Sinong sasama?" Sabi ni Kim Miya.

"Nah. Hindi ako available mamaya e. Alam niyo na. May training ako sa SG." Sagot ni Rhea at napa-krus ng braso.

"Edi kami nalang ang pupunta?"

"Anong 'kami'? Sinong tinutukoy mo?" Tanong ni Reymark. umunot naman ang noo ni Miya sa sinabi niya.

"Edi kayo. Sino pa ba? E kayo lang naman ang mga kaibigan ko."

"At sino namang nagsabing sasama kami? Kung 'di sasama si Rhea, edi hindi narin kami pupunta." Si Dave. Sabay na natawa ang mga alipores ni Rhea at ganun rin si Dhanna.

"Oo nga." Pagsang-ayon nila.

Hindi ko alam kung anong nakikita ko sa mga mata ni Miya ngayon. Kung pagkalungkot, pagkainis o pagkapuot. Luh. Bahala nga kayo sa mga buhay niyo jan.

Napadako naman ang tingin ko sa third row. Grupo iyon ng mga basagulerong lalaki ng Class 4-C. Ang iingay nila. Pinagtatawanan kasi nila yung kawawang nerd na boy. Binabato ng papel at ginuguhitan ng kung ano gamit ang pentel pen yung desk niya. Naawa tuloy ako ng wala sa oras.

Ay teka, bat may nerd dito? Akala ko ba mga boplaks lang ang andidito? Aray naman yung boplaks.

Yvan Astreio- basketball player, isa ring bully at playboy. Nakaka-tatlong babae sa isang araw.

The Hidden Class (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon