Isang beses? Pangalawa? Pangatlo? Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses na 'kong napa-buntong hininga mula pa kanina matapos basahin ang newspaper kung saan naka-lagay ang krimeng nangyari three years ago. A crime that is memorable to me. Ang krimeng naging dahilan kung bakit hindi ko kasama ang kapatid ko ngayon. Ang krimeng naging dahilan kung bakit nandito ako ngayon.
The sound of a ticking clock.
A smell of a coffee's aroma and a smell of a cigarette.
Binaba ko ang hawak na newspaper at inilapag ito sa desk ng police officer. Napabuntong hininga ulit ako saka ikinrus ang mga braso. Tiningnan ko ang isang pulis na nakahawak ng sigarilyo sa may sulok ng opisina di kalayuan sa kinauupuan ko ngayon.
Matiim siyang nakatitig sa'kin habang pabalik-balik na naglalakad malapit sa may pintuan sa sulok ng opisina. Sa unang tingin, mapagkakamalan mo siyang matanda na dahil sa buhok niyang medyo namumuti na at medyo nalalagas na mula sa kaniyang ulo.
Pero ang sabi niya kanina, 30 years old pa lang siya. I'm not interested to him but he keeps entertaining me kaya may konting kwentuhan na naganap mula pa kanina dahil hindi pa dumadating si Chief Neo Hwang na siyang sadya ko rito. Ang sabi ay may kinuha lang ito saglit sa kabilang opisina kaya naghintay nalang muna ako.
Today is sunday by the way. Akala ko nga'y sarado ang police station pero hindi pala. May sadya ako rito and it's kinda important.
"Smoking is bad for your health." Komento ko sa may katabaang pulis na kaharap ko. I already expected that he won't listen. Isinubo pa nga hawak na sigarilyo. Tsk bahala siya jan.
He was about to say something ngunit biglang bumukas ang pinto ng opisina na malapit lang din sa kintatayuan niya at iniluwa nun si Chief Hwang na may bakas na pagtataka sa kaniyang maaliwalas na mukha.
Pinagmasdan ko siyang mabuti mula ulo hanggang paa. Nothing's new. Siya parin si Chief Neo Hwang na nakilala ko three years ago. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo siyang yung tipong pulis na istrikto at kinatatakutan pero magkaibang-magkaiba siya sa totoo lang. Akala ko kasi noong una'y siya yung tipo ng pulis na istrikto at mayabang kung umasta pero hindi naman pala.
Mabait si Chief Hwang. In fact, siya ang nakipagtulungan dati para i-solve ang kaso na involve ang pinakamamahal kong kapatid.
13 murdered students.
Apollo Street 04.
Abandoned building.
A floor flooded by blood.
The sound of the police alarm.
Nanumbalik ng panandalian ang mga alaalang nangyari three years ago nang sandaling magtama ang mata namin ni Chief Hwang.
Muli kong naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko nang maalala ang kalagayan ng kapatid ko nang gabing yun. Kitang-kita ko kung pa'no malunod ang katawan niya sa sarili niyang dugo. Pati narin ang mga kaklase niyang naging biktima ng krimeng yun.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...