Charmaine Calzada's Point of View
Inis kong inabot ang alarm clock sa side table ko at in-off ito. Bahagya akong napa-hilamos sa mukha ko at ginulo ang sariling buhok.
Aish. Hinihila parin ako ng antok dahil sa lamig ng kwarto ko pero wala akong ibang choice kundi ang bumangon.
Kung meron man akong gustong burahin na araw sa kalendaryo, yun ay ang araw na Monday. Nakakainis kasi. Bakit kasi may lunes pa? Bakit kasi may pasok pa? Everyone hates monday at isa na'ko sa everyone na yun.
And yes, first day of school ngayon at hey, Grade 10 na 'ko. It means last year na'to ng pagiging junior high school ko. Ilang hakbang at kembot nalang at magiging senior na 'ko at pagkatapos ng senior, magiging college na 'ko at gagraduate. Oh diba ang dali lang talaga ng takbo ng panahon.
Dapat ay maging masaya ako sa araw na'to pero bigla akong nalungkot nang mapadako ang tingin ko sa study table ko at makita ang nasa schedule pad ko.
Monday- First day of school at Prestigious School Sunbae Academy
Grade 10 Class 4-C official schedule:
7:30-8:30 Science
8:30-9:30 English
9:30-10:00 BREAK TIME
10:00-11:00 History
Adviser: Mrs. Grecia
Yes. Isang nakakalungkot na pangyayari. Bumagsak ako ng Class 4-C!
I'm from Class 3-B for pete's sake. Actually, wala naman talaga akong pake kung saang lower class ako mapunta. Hindi naman kasi ako grade conscious. Pero ang isiping mapupunta ako sa Class 4-C ay hindi ko masikmura! Okay, alam ko namang bobo ako e. Aminado naman ako. But no one would understand kung bakit ayaw na ayaw ko sa Class 4-C.
For goddamn's sake, Class 4-C is a cursed section! Kahit hindi ko pa naman talaga alam ang totoong storya sa likod ng section na yun, kinikilabutan parin ako! Masyadong misteryoso ang mga estudyante sa Class 4-C. Nihindi ko nga alam kung anong tumatakbo sa utak ng mga estudyante dun. Masyadong private. Masyadong misteryoso. Masyadong secretive! Ugh!
Wala nga akong naririnig na balita tungkol sa section na yun. Wala rin silang ni-isang records sa daily updates ng school namin. Nakakakilabot sila masyado super! Kaya hindi na talaga 'ko magtataka kung bakit sila binansagang 'The hidden Class of Sunbae Academy'.
Napairap ako nang mabasa ko ang pangalan ng magiging adviser ko this school year. Well, siya lang naman ang dahilan kung bakit ako bumagsak. Ang sarap niyang hamblusin sa totoo lang. From Class 3-B to Class 4-C. Hell yeah, kasalanan niya yun. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nakapasa sa exam? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako mapupunta sa lower section! Kung kelan ba naman last year ko na sa junior high! Aish, nakakainis talaga.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...