CHAPTER 3

35 9 37
                                    

Vieb Ramos' P.O.V.

Inayos ko ang kwelyo ng suot kong uniform. Sinuot ko narin ang badge na kulay bronze. Pagkatapos kong magsuklay ay humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.

A new first day of school.

A new day of mine being a slave of that hidden class of Sunbae Academy.

I sighed heavily as I watch my own reflection in the mirror.

It's a new day again but nothing has changed. I'm still Vieb Ramos. I'm still a president of Class 4-C. I'm still a slave of that hidden class.

May mga panahon din talagang napapagtanto ko kung gaano ka-miserable ang buhay ko. Oo't mayaman ako, nakukuha ko ang mga gusto ko at may pamilya akong sumusuporta sa'kin pero ang hindi alam ng iba, napaka-miserable ng buhay ko.

Minsan napapaisip nalang din ako. Kung hindi ko kaya ginawa ang bagay na yun, magiging miserable din kaya ang buhay ko gaya ng nangyari sa'kin ngayon?

I sighed heavily again.

Dumako ang tingin ko sa suot na badge.

Bronze.

That's the reason why my parents are not proud of me. They're supporting me but they are not proud. Ikaw ba naman magka-anak ng bobo. Hayst.

I checked out my phone. Nakita ko ang message ni Mama.

From: Mama

Sweetie, sorry pero magiging busy muna kami ng Papa mo. 'Wag kang magpapagutom at magpupuyat masyado okay? Babalik rin naman kami next month after ng proposal. Yaya Annie will take care of you though. Take care always sweetie, Love lots :)

Ibinulsa ko nalang ulit ang phone at hindi na nag-tipa pa ng reply.

What's new? Busy sila palagi. Wala silang time para sa'kin. O kahit meron man, hindi sila mag-lalaan ng konting panahon para atupagin ako. Ikinahihiya nila 'ko.

Being a student of that hidden class means a trash. Kaya hindi na 'ko magtataka pa kung bakit nila 'ko kinakahiya.

Agad na'kong umalis ng mansion at tinahak ang Sunbae Academy. A new day again. A new start again.

Hindi na 'ko nagulat pa nang sumalubong sa'kin ang maingay at magulong Class 4-C. Nothing has changed. Heto na naman ako, magpapaka-alipin sa impyernong 'to. Paulit-ulit nalang. Sila nalang ang mga nagiging kaklase ko palagi. Nakakasawa na.

Pero wala akong magagawa. Alam niyo kung bakit?

I'm rich and I can do or get whatever I want. Pwedeng-pwede akong lumipat ng school kahit kelan ko gusto. Pero hindi ko yun magagawa dahil lang sa dahilan na kaya kong gawin yun. Na kaya kong mag-waldas ng pera para lang maka-lipat.

Kahit ano pang gawin ko, hindi ako makakawala sa impyernong 'to. Hindi ako makakawala sa kanila.

Wanna know why?

Because that's the biggest and dirtiest secret of the hidden class. At wala ako sa posisyon para i-kwento yun.

Dahil kahit ako, walang alam sa tinatago nilang sekreto.

I'm the president of Class 4-C but I don't know anything.

Because I'm just only a slave of that hidden class.

***

Peerida Choi's P.O.V.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama sa cold guy na'to. Matapos kasi ng nangyari kanina sa likod ng abandonadong music room, hindi niya 'ko inimikan at hindi niya sinagot ang tanong ko. Ang alam ko lang, naka-sunod na 'ko sa kaniya ngayon nang sabihin niyang sumunod raw ako sa kaniya. Namalayan ko nalang na papunta pala siya ng cafeteria.

The Hidden Class (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon