Peerida Choi's P. O. V.
Nakabalik narin ako ng classroom-- sa wakas. Ang huli ko kasing naalala ay yung nangyari sa abandonadong music room na tumutugtog ng piano si Andrey. Na-realize ko lang na gifted pala sa music si Andrey. Hindi lang siya matalino, talented din pala talaga.
Kaya yun ang dahilan kung bakit ako naguguluhan ngayon. He's intelligent and talented. Bakit nasa lower class siya? Kung grades lang din naman niya ang pagbabasehan, halata namang deserve niya ang golden badge. Deserve na deserve niya ang mapunta sa higher class.
Hayst. Ang gulo talaga ng school na'to. Sa tingin ko hindi lang ang section na'to ang magulo kundi maging ang buong academy. 'Di ko gets talaga ang sistema ng school na'to.
So dahil wala naman akong masyadong kakilala rito. Well, not literally dahil kinilala ko naman sila gamit yung bigay na master list ni Chief. Pero yung totoo, hindi ko naman talaga lubos na kilala silang lahat kasi nga mas marami silang sekreto. At itong tao naman na nasa likuran ko e ayoko namang kausapin. Bahala siya jan.
Tahimik lang din naman kasi siyang nakaupo doon sa likuran ko. Nagmamasid lang din gaya ko, ang ingay kasi talaga ng buong classroom. And I realized that it's a sudden change of the atmosphere. Parang kanina lang magkausap pa kami. Parang kanina lang, hinila niya pa 'ko papunta doon sa music room, parang kanina lang, nilibre niya pa 'ko ng snack, pero ngayon balik na ulit kami sa dati na parang 'di magkakilala.
Pero imbis na problemahin yun e pinalibot ko nalang yung paningin ko sa classroom. Nag-iisip ako kung ano ang una kong gagawin na misyon. Magsisimula na kaya 'ko? Pero pa'no at saan dapat ako magsimula? Aish.Habang tinitingnan ko naman ang mga classmates ko e wala namang kakaiba. In fact, mukhang mas masaya nga silang panoorin kasi nagkukulitan sila at nagdadaldalan. Wala namang kakaiba, normal lang naman. Kung matatawag ba silang normal..
So I decided to stay on my seat. Iniisip kung ano ba dapat amg una kong gawin. Think Peer, think.
Halos mapatalon ako sa upuan nang may maisip akong ideya. Kulang nalang e may marinig akong tunog ng bell sa utak ko. Napa-ayos ako ng upo dahil kanina lang ay halos nakahiga na 'ko sa kinauupuan ko dahil sa sobrang boredom. Bakit ba kasi ang tagal tumakbo ng oras kung kelan sobrang boring ng panahon.
I took a glance with Andrey. Nothing's new. Siya parin iyong nerd na binubully at tahimik lang na nakayuko sa upuan niya at hinahayaang api-apihin lang siya.
What if sa kaniya nalang ako magsimula? Uhmm.. It's not like.. May misteryoso akong nakikita sa kaniya o kakaiba. E kasi nagdududa parin ako kung bakit siya nandito sa lower class gayong matalino at talented naman siya. Nasabi ko lang atang talented siya dahil doon sa nangyari sa abandonadong music room pero sa tingin ko mas marami pa siyang kayang gawin bukod dun.
Kaya huminga ako ng malalim at saka umupo ng maayos sa kinauupuan ko. Tama, kay Andrey ako magsisimula. Baka sakaling mas makatutulong rin kung mas makilala ko pa siya ng mabuti pero mangyayari lang yun kapag kinaibigan ko siya.
Dahil kapag naging magkaibigan kami e magtitiwala na siya sa'kin tapos baka may sabihin siyang mga detalye na makakatulong sa'kin.
Pero ang pino-problema ko na naman ngayon ay kung pa'no ko siya kakaibiganin o i-approach man lang. Hindi kasi talaga ako approachable na tao kumapara sa kapatid kong si Pia. Kahit naman tahimik yun at least marunong siyang mang-approach at napaka-friendly. E samantalang ako, mukha daw akong mataray at mahiyain akong mang-approach kaya akala nila hindi ako friendly. Yun siguro yung dahilan kung bakit ako tinarayan ni Rhea kanina.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...