CHAPTER 5.1

24 6 9
                                    

Peerida Choi's P.O.V.

What is happening right now, is just I didn't expect. Literally.

Kung alam ko lang na madali lang palang kaibiganin itong si Andrey, edi sana hindi ako nababalisa kanina pa. I just can't believe it...

Parang kanina lang ay halos mabaliw ako sa kakaisip kung pa'no ko siya kakausapin, ngayon naman ay magkasama na kaming naglalakad papuntang cafeteria para sa lunch. Muntik ko na nga ring makalimutan na hindi pa nga pala ako nanananghalian.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay marami akong tinanong. Baka kasi may sabihin siyang detalye na importante at makakatulong sa'kin.

"So, mula elementary ba, dito ka na talaga sa Sunbae nag-aaral?" tanong ko. Ngayon ko lang narealize na sobrang tahimik niya pala talaga. As in, kapag hindi ka nagsalita, hindi rin siya mag-oopen ng topic. Kaya as much as possible, nag-iisip talaga ako ng pwedeng sabihin para lang makapag-usap kami.

Pansin ko ring masyado siyang tipid sa mga sinasabi niya. Luh, ano kaya problema neto?

"Nope, nagsimula lang akong mag-aral dito noong tumuntong ako ng highschool. Galing kasi kami sa Manila and lumipat kami dito sa QC kaya napilitan akong mag-transfer dito." he answered. I slowly nodded.

"Anong mga hobbies mo?" I asked again and that made him think. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa gitna ng quadrangle para makapunta sa cafeteria.

"A lot of things actually." sagot niya. "Mahilig akong tumugtog ng piano, mag-draw, at magsulat ng kwento. Namana ko ata yun sa Mommy ko."

"Talaga? Wow, ang galing naman. Ang dami mo palang talent e." I replied. Napaisip ako bigla nang dahil doon sa sinabi niya. He has a lot of capable things to do.

So bakit nga kasi siya nasa lower class? Alam niya kaya ang mundong pinasok niya?

I was about to ask him that question nang may marinig kaming malakas na sigaw sa isang building.

"Ahhhh!"

Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay at napagtantong galing iyon sa science lab ng Grade 9 building. Nahakot din ang atensyon ng iba at agad kong narinig ang mga bulungan.

"What was that?" tanong ng kasama ko pero hindi ako sumagot. Aba't ano namang malay ko dun? Nilingon niya 'ko, wala siyang sinabi at agad na tumakbo papunta doon sa building ng Grade 9.

"Hoy, Andrey sandali lang!--" tatawagin ko pa sana siya pero hindi niya na 'ko liningon pa at nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa science lab.

Wala narin tuloy akong ibang nagawa kundi ang sundan siya. Mukhang dakilang usisero din kasi yung nerd na yun.

Tumakbo ang para sundan siya. Naabutan ko naman siya pero hindi kami makadaan ng maayos papasok sa science lab dahil hindi lang kami ang pumunta doon para maki-usisa, pati narin yung iba pang estudyante ay naki-chismis rin doon especially yung mga students na Grade 9.

Napakamot ako ng bahagya sa ulo ko at kinalabit si Andrey.

"Huy, ano bang ginagawa natin dito? Hayaan na nga natin yan, hindi nga tayo makadaan ng maayos oh. At saka hindi naman natin alam kung anong nangyari." sabi ko.

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at nanatili lang yung tingin niya doon sa laboratory.

"Kaya nga tayo nandito para malaman kung ano yung nangyari diba?" sagot naman niya.

Aba't--

Inis na napakamot ulit ako.

"E ano namang pake natin kung anong nangyari? Hindi naman natin kilala yan." sabi ko naman.

The Hidden Class (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon